UNREGISTERED 2

20 1 0
                                    

Naghintay ako ng limang minutong pagchacharge bago ko binuksan ang cellphone ko, Ha! Buti naman at nakisama to -_-

Yun nga lang natulog na siya, akala daw niya kasi tinulugan ko na siya kaya nireplayan ko na lang siya ng "Goodnighr and Sweet dreams Allesana :)".

After nun natulog na din ako.

SARAP LANG MANUNTOK dahil paggising ko saka ko naalalang di ko pa natatanggal sa pagkakacharge yung cellphone ko -_- HALOS WALONG ORAS lang naman siyang nakacharge! Ang saya diba? Hayaaan na! Tss.

"Goodmorning Clark :) Uyy.. Pasensya na tinulugan na kita akala ko kasi natulog ka na eh"

Natuwa naman daw ako sa text niya kaya buong ARAW ko siyang katext. Halos di ko na pansinin yung ibang nagtetext sakin. Dahil dito kay Allesana >.<

Palaging ganun ang routine naming dalawa sa nakalipas na isang Linggo. Kung sino unang magigising ay siya ang unang magtetext pero ako palagi yung nagsasabing matulog na siya! Ang kulit niya kasi, puyat na kami palagi ayaw pang matulog. Pero natutuwa talaga ako sa kanya. At nasanay narin ako sa presensya niya kahit alam kong walang kasiguraduhan ang pagkakaibigan namin.

Halos makalimutan ko na si Eunice na girlfriend ko. Naging kami dahil nagconfess siya sakin na mahal niya ako, eh kaibigan ko yun eh. Ayoko naman masira yung tatlong taong pagkakaibigan namin. Inaamin kong Feelings are not mutual sa aming dalawa, dahil kaibigan lang talaga ang tingin ko sa kanya pero nagdecide pa rin akong ligawan siya dahil nga sa nangyari. Ang pangit naman kung kami na agad dba? tsaka hindi ako yung lalaking hindi pinaghihirapan makuha ang isang babae. 

Hindi ko First Girlfriend si niece, yan ang tawag ko sa kanya ewan ko ba.!! Malapit na kaming magone year ni niece pero hanggang ngayon ganun pa rin ang tingin ko sa kanya, medyo nairita nga ako ng maging posessive at clingy na siya sa akin na alam kong napaka MAHINHIN niyang babae. Tss! Sabi nga nila The only constant in this world is the word change!.

Mabalik tayo sa girlfriend ko, naisipan kong puntahan na lang siya sa bahay nila. Dahil naguguilty akong nakalimutan ko talaga siya. Buti nga at nasa bahay lang siya ngayon.

Naisip kong dalhin na lang siya sa mall. Habang nagdridrive ako. OO NAGDRIDRIVE ako kahit UNDERAGE pa lang ako. Anong silbi ng pera dba?? Naalala kong lagi kaming nasa mall noon nung magkaibigan pa lang kami na madalang na lang naming nagagawa nung naging kami na. Ganun talaga siguro?? Naiilang kasi ako Haaaaay!

Yun nga habang nasa mall kami ni niece katext ko pa rin si Allesana. Sinabi niyang hihiwalayan na daw ako ni niece dahil wala daw akong kwentang boyfriend. At ang ganda daw niya -_- Ewan ko kung anong konek nun. LOKO talaga.

Kaya ang ending kasama ko si niece pero iba nasa isip ko -_- Seriously akala ko sa school lang naapply yung PHYSICALLY PRESENT BUT MENTALLY ABSENT yung tipong naglelecture yung teacher!. LOLS!

Natapos ang date namin ni niece na ang nalala ko eh kwento siya ng kwento at tango lang ako ng tango sa kanya dahil wala talaga akong maintindihan sa sinasabi niya. ANG BAIT KONG BOYFRIEND DBA? -_-

Hinatid ko si niece sa bahay nila at nakakaguilty talaga dahil ang lungkot niya. Literally nakangiti yan palagi after ng date namin eh... Haaaaay..

Hinayaan ko na lang. Pagkauwi ko hindi ko na ulit nabitawan ang cellphone ko hanggang sa pareho na kaming makatulog ni allesana.

---------------------------------------------------------------

She's UnknownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon