Chapter one (The gang)

834 10 0
                                    

A/N:(This is my first story guys so please intindihin nyo nalang ang mga wrong grammar okey!!!: )

 

 

BEEEEP!!!!!BEEEEP!!!!!!

Nagulantang ako mula sa pagkaka-idlip ng marinig ang malakas na busina ng bus. Napatingin ako sa paligid, nasa school na pala ako. Nagsilabasan na ang mga estudyante sa bus kaya tumayo na rin ako at lumabas. Umandar na ulit yung bus kaya napatingin ako doon. Kutong lupa! naiwan ko ang bag ko!

"Manong!!!Manong!!! teka lang po, naiwan po ang bag ko!!!!." sigaw ko habang hinahabol yong bus. Huminto naman ito kaya agad akong pumasok at kinuha yong bag ko. "Salamat po." I said saka bumaba.

Pagkatapos non ay umalis na ang bus. I walk forward, papasok na ako ng entrance ng Teen High University(THU).

This is the most popular school in our place, hindi mga ordinary students ang pumapasok dito. Karamihan, mga anak mayaman. EXCEPT ME

Ako nga pala si Jessie Madrigal. Simpleng estudyante lang. Ulila na ako since 10 years old, namatay kasi ang parents ko sa isang plane crash. Hindi ako mayaman, hindi rin ako sobrang talino. Si janet Madrigal ang tita ko, sya ang nagapapaaral sakin dito and I am working at her house. Nasa abroad si tita Janet, ang kasama ko sa bahay nya ay ang biyenan nyang babae na super maldita. Si Mrs. Madrid. Byuda na ito , asawa ni tita Janet ang anak nito na si tito Diego. Two years before, pumanaw na ito dahil sa heart attack.

My life is like a hell with Mrs. Madrid. Ginawa na nya akong parang chamber maid. At sya parang reyna. Nakakainis talaga ang matabang yon. Halos hindi na ako makagawa ng homework dahil utos sya ng utos.

Kung nandito lang sana si tita, tiyak na ayaw nyang ganituhin ako. Tinitiis ko nalang si taba na mukhang bakulaw, sabi kasi ni tita uuwi din sya.

Senior student na ako this year which means malapit ng matapos ang kalbaryo ko sa sa school na ito. Yes, Im refering this school as the calvary of my life. Bakit? Hindi porke sikat ang school na ito eh masaya na ako dito. Dios ko po. Mas magiging masaya pa siguro ako sa public school kumpara dito na wala akong kaibigan. High class kasi ang mga student dito, hindi pumapansin ng hindi ka level. Ang sarap pangbatukan ng ulo.

"Ay butiki." natalisod tuloy ako habang paakyat ng hagdanan. Ang sakit ng paa ko kaya naupo ako sa may gilid ng hagdanan at nilapag ko ang bag ko sa tabi. Napahangad ako sa itaas ng marinig ko ang nagtatakbuhang junior students pababa ng hagdanan.

"Hey! Wag ka ngang humarang sa daanan!!." sambit ng isang  babae na paakyat.

Grabe naman, nasa gilid na nga yong tao. Tumayo nalang ako at tumabi, sya namang pagdaan nga mga junior students pababa, nagtatakbuhan.

"Teka!! yung bag ko!!!!"  I shout pero wala silang narinig. Hindi nila inilagan yung bag ko, pinag sisipa sipa nila hanggang sa makalagpas silang lahat. Kawawa naman yung bag ko, sa first floor pupulutin. Bwisit talaga ang mga students dito, walang manners!!!

Bumaba na ako sa first floor pagdating ko doon ay hawak hawak ng isang lalaki yung bag ko. Napangiti ako ng lumingon sya sa direksyon ko. Agad akong lumapit, ang gwapo nya lalo na pag nakangiti, ngumingiti rin ang mga mata nya. Nakakabaliw.

 Sya si Kevin Hakiru. Sya ang bestfriend ko at the same time crush ko. Were very close kaso dito sa school parang hindi kasi palagi syang loaded.

"Ahhhh!!!!" hiyawan ng mga babaeng papasok ng lobby."Good Morning Kevin!! we just want to give you this." ani ng mga ito habang inaabot dito ang mga regalo. Bago pa ako nakalapit ay marami ng nakatumpok sa kanya. After 1milyon years umalis na yung mga nakaaligid sa kanya, saka naman ako lumapit.

"Ahh.. Jessie bag mo oh..." inabot nya sakin yong bag ko.

"Thanks." sagot ko at napalingon ako sa labas ng nagsigawan na ang mga student. Halos lahat ay tumabi sa daraanan. Kami lang ni Kevin ang nasa gitna. Mula sa entrence ay pumasok ang dalawang lalaki at dalawang babae. Ang kakapal ng mga eyeliner at mapuputi ang mukha.Hindi naman mukhang mga addict kasi yong mga looks nila, they are very good looking.

Tumigil yong apat sa tapat namin ni Kevin.

"Hi bro." bati ng isang guy kay Kevin. Nagbatian silang lima habang ang audience ay kinikilig.

Nag walk out ako mula doon. Teka, hindi naman yon matatawag na walk out diba, eh kasi hindi naman talaga ako kasali sa show. Wala ngang ni isa na nakapansin sakin eh, hindi ako nag eexist doon. Bahala sila, balang araw ako na naman ang hahangaan nyo.

By the way, yong apat na lumapit kay Kevin ay ang CGang (cool gang/CG) kasali sya. Sila ang pinakasiga dito sa school, sila kasi ang pinaka special students dito. To the high level ang mga family nila.

Si Drake Akinson, ang brown hair na anak ng may ari ng school na ito.(Mr Serios)

Si Bryan Castillo ang matangkad, varsity player ng basketball team ng school. Tagapagmana ng International airport dito sa Maynila.(Mr Cute)

Clara Jane Carvel ang fashionista at kaisaisang anak ng may ari ng tatlong Casino Hotel dito sa Pilipinas.(Ms Ellegant)

Kathrine Neruda ang itinakdang Miss THU simula pa noong freshmen pa sila. She's the most beautiful maiden in this school who's mother was a beauty queen in year 1990's. Her father was a former model noon as of now, sila ang may ari ng malalaking  dressing company at mega mall dito sa Maynila.(Ms Pretty)

Syempre, kaylangan nyo ring makilala ang bestfriend ko. Si Kevin Hakiru. Wag na kayong magtaka sa surname nya, half Japanese ang papa nya half paper--- este half Pilipino. Sadyang good looking talaga tong si Kevin, wala akong masabi sa family background nya ang alam ko lang mayaman sila. Wala kasing kwentang anak tong bestfriend ko kaya hindi mapag iwanan ng mana.(Mr Smart)

Nasa special section silang lima na tinatawag na CG section. Wild daw ang mga students doon, pati teacher hindi nagtatagal.

Teen High University (THU)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon