Naranasan mo na bang magkagusto sa isang tao ng palihim?
Na malalapit na kaibigan mo lang ang nakakaalam na may gusto ko sakanya?
Yung tipong pagkatapos niyong mag-usap patago kang kikiligin?
Yung bawat simpleng galaw niya binibigyan mo ng meaning?
At sa mga galaw niyang 'yon doon mo nasimulan ang mga munti mong akala.
Akala ko iba ako.
Akala ko special ako kumpara sakanila.
Akala ko sa akin ka lang gano'n.
Akala ko may pagtingin ka rin sa'kin.
Akala ko gusto mo rin ako.
Akala ko posible tayo.
Sa bawat galaw mo umasa ako.
Kinikilig ako.
Sobra ang tuwa ko na pinaghahampas ko lagi ang mga kaibigan ko tuwing magkkwento ako.
Pinagbibigyan mo ko sa lahat ng gusto ko.
Mas mabait ka pa saken kumpara sa malalapit mong kaibigang babae.
Iba kang makitungo sa'kin.
Iba kang tumingin pagdating saken.
Iba ang pakikitungo mo sa mga taong may gusto sa'yo kumpara saken.
Naramdaman kong sobrang special ako.
Sa loob ng mahigit pitong buwan, sa isang silid, tinago ko lahat ng nararamdaman ko para sa'yo.
Tinitignan kita ng palihim.
Bawat ngiti mo
tawa mo,
Namemorya ko na ata.
Yung malalim mong mata,
natutunaw ako sa mga titig no'n.
May hobby kang nakikipageye-contact kapag nameet mo ang isang mata.
At madalas akin ang mga matang 'yon.
Madalas mo na'kong nahuhuling nakatingin sa'yo.
Pero nahahalata mo na ba?
Natatakot ako.
Natatakot akong malaman mo dahil baka layuan mo 'ko.
Baka 'di na tayo tulad ng dati.
Pero lahat ng pangamba ko tinatanggal mo sa bawat araw na nakakasama kita sa loob ng classroom.
Sa mga munting asaran natin
na nakakakumpleto sa araw ko.
BINABASA MO ANG
The Most Painful Heartbreak
RandomVenice Andrei P. Mendez is an average girl who has a crush on Miguel Ivan C. Austria She was expecting too much from Miguel's gestures, but does she really have to expect? What if that would be the cause of her most painful heartbreak? Can she get o...