Chapter 10

354 6 0
                                    

Chapter 10

Lumipas ang mga araw at naging busy na ulit si Michael sa kompanya. Siya kasi ang CEO kaya marami siyang trabaho. Naging busy din si Lyn sa boutique niya. Sina Xylene at Dylan naman ay naging busy sa pagpaplano ng kanilang kasal. Dahil nga kakatapos lang ni Lyn sa kanyang collection naisip niyang mag-unwind. Tinawagan niya si Xylene.

"Hello Lyn, napatawag ka. Kumusta?"sambit ni Xylene.

"Ito okay naman kakatapos ko lang gawing yung collection ko kaya naisip ko na magcamping at hiking tayo nila Mike."sambit ni Lyn.

"Okay lang bang isama ko si Dylan?"tanong ni Xylene.

Natahimik naman si Lyn. Nag-aalinlangan siya. Mas okay sana kung hindi sabi nito sa kanyang isip.

"Ahhh oo pwede. Sige kita tayo sa Saturday morning."sambit ni Lyn.

Saturday Morning

Papunta na silang Sagada para maghiking at magcamping. Napagpasyahan nilang kotse ni Michael ang gamitin. Palitan naman Michael at Dylan sa pagdadrive. Nung makarating na silang Sagada, nagsimula na silang maghike. Nung makarating sila sa tuktok ng bundok ay tska sila nagset up ng mga tent. 2 tents ang dinala nila, tabi sina Xylene at Lyn habang sa kabilang tent naman sina Michael at Dylan. After nila magset up ay kumain na sila. After nun napagpasyahan na nilang magpahinga muna. 

Kinahapunan, naisip ni Lyn na kailangan nina Michael at Xylene ng time para magkapag-usap kaya sabi niya gusto niya ng strawberry at ng ibang prutas. Natakam naman sila. Inaaya naman ni Lyn si Dylan para bumili. Aayaw pa sana si Dylan kaso sinabihan siya ni Xylene na okay lang at para may kasama naman si Lyn. Umalis na ang dalawa. Samantalang sina Michael at Xylene ay tahimik na nagmamasaid sa magandang view. (AN: Nasa itaas yung picture) 

"So kumusta ka na?"tanong ni Michael.

"Okay lang naman medyo nakakapagod magasikaso para sa kasal buti na lang nag-aya si Lyn at least nakapagunwind tayong lahat."sambit ni Xylene.

"Oo nga naging busy din ako sa company kaya tama nga itong naisip ni Lyn." sambit ni Michael.

"So kelan naging kayo ni Lyn?"pagtatanong ni Xylene. Hindi alam ni Xylene kung bakit niya naitanong ito baka nacurious lang ako sabi niya sa kanyang isip.

Napaisip naman si Michael. Bahala na magtsatsamba na lang ako.

"1 year na rin kami. Ah kayo ni Dylan, kelan kayo nagkabalikan?"pagsagot at pagtanong naman ni Michael. Nagtataka kasi siya eh bago umalis ng bansa si Xylene eh nagbreak na ang dalawa.

"Ahh 5 years ago. Sinundan niya ako sa Canada. Niligawan niya ako ulit nun tapos sinagot ko siya after 1 year."paliwanag ni Xylene.

"Kelan naman siya nagpropose sayo?"pagtatanong ulit ni Dylan. Naunahan pa ako nung loko hay sana di pa huli ang lahat. Pinagpapasalamat ko na lang na di pa sila kasal. sabi ni Michael sa isip niya.

"Ahhh nung bago kami umuwi ng Pilipinas, mga 1 month ago." turan ni Xylene.

"Maglakad lakad muna tayo parang matagal pa ata sila darating eh."pag-aya ni Micahel.

"Sige"sagot naman ni Xylene.






Love Me Again (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon