Pahing nga ng Papel!!!

26 5 8
                                    


Bilang isang estudyante dapat lagi tayong kumpleto sa gamit.

Dahil kung hindi mo kaklase ang manghi-hingi or manghihiram eh yung teacher mong paborito ka.

Pumasok ako sa paaralan para mag-aral, hindi para maging National Bookstore!

"Sheena pahiram ng ballpen"

Pahiram pero wala ng babalik

"Sheena pahiram ng correction"

Pero pagbalik ubos na?!

"Sheena pahingi ng One whole"

Ang alam ko dumaan yung bakasyon. Wala ba silang pambili?!

Pero ang malupet....

"Hoy, pahingi nga ng papel!!" sigaw ng kung sinong makapal ang mukha

Lawrence Hernandez

"Ang yaman mo tas wala kang pambili ng papel?!" nakaka-irita na to ah. Tatlong taon na kaming mag-kaklase ni minsan hindi nag-labas ng papel.

"Pakielam mo ba?" mayabang nyang sabi

"Bobo ka ba? Ikaw na nanghihingi, ikaw pa maangas. Ni hindi ka lumapit para ikaw mismo kumuha" Napipikon kong sabi sa kanya

"Dami pang sinabi. Pahingi nga ng papel Sheena" Mahinahon nyang sabi at tumayo sa harapan ko.

Parang ngayon lang umamo to saken. Samantalang dati konti nalang bubugahan nya na ako ng apoy.

Inabot ko na sa kanya yung papel. Umalis naman agad sya sa harap ko.

Grabe naman si Ma'am, Hindi nya nga tinuro ng maayos yung lesson tas quiz agad?!

Okay sana kung Activity eh, pero yung Quiz?! Pano pag may bumagsak samen? Mababawi ba namin agad yon?

Natapos ang quiz at nag-checking na din kami. Sakin napunta yung papel ni Law.

"Matalino pala tong kupal na to?" mahina kong bulong. Hindi naman kase biro yung quiz namin sa Math.

Pina-balik na samin yung mga papel and guess what? 25 over 30 ako.

"Arellano" tawag ni Ma'am saken

"25 po Ma'am" sabi ko at nakipag-usap na sa mga kaibigan ko.

"Hernandez" tawag ni Ma'am kay Law.

"30 po Ma'am" pagka-sabi nya ng score nya nagulat yung iba. Hindi naman kase nagsi-sipag yan dati.

Ano kayang meron? Ang alam ko madaldal sya ha?

Recess

"Sheena may sasabihin lang ako" sabi ni Law matapos akong harangin sa may pinto.

"Ano yon? Sabihin mo na agad nagu-gutom na kase ako eh" sabi ko sa kanya

" Ano please just let me speak first okay?....Y-you've been my crush since elementary. I know that you just noticed me when we are in highschool already. I just want to say thank you for being my motivation to go to school even though I don't want to." He sincerely said

OHMAYGASH. Wut the fudging hall?? Paano? Kelan? Is it real?????

Na-stuck nalang ako sa kinata-tayuan ko. Di ko alam anong sasabihin ko ngayon.

"Lagi akong naghi-hingi ng papel sayo kahit na meron naman ako. Tinatabi ko yun eh." Sabi nya sabay pakita ng mga papel sa bag nya. May naka-sulat kase sa baba ng papel na encouraging words.

"Lagi kitang pinipikon para mas matagal mo kong kausapin. Kahit na sinisigawan mo ako natutuwa pa ako." dagdag pa nya

"B-bakit ngayon mo lang sinasabi sakin to?" nahihiyang tanong ko

"Aalis na kase ako dito." sabi nya ng may malungkot na ngiti.

"Dito sa school? Bakit? Ano...bakit ka lilipat?" nagulat na tanong ko.

"Aalis na ako ng bansa Sheena. Doon kase namroblema yung kumpanya nila papa. At kung itatanong mo saang bansa, sa New Zealand." malungkot na sabi nya.

"Kung kelan naman kase umamin ako kelangan ko ng umalis. Itatabi ko tong mga papel para maalala kita at hindi ako malungkot"

"Sana...sana hintayin mo ko. Para sa susunod na pagki-kita naten paghi-hirapan kita para maging akin" dagdag nya pa

"Baka pagbalik mo may iba ka na ha." naka ngiting sabi ko

Totoo man o hindi na babalikan nya ako, mananatili syang ala-ala sakin. Dahil may isang torpeng lalake ang umamin sa harap ko at namaalam nalang bigla.

Hindi man halata pero sa bawat pag-hingi nya ng papel at pagkausap sakin, nahulog ako. Gusto ko sya pero siguro hindi muna ngayon. Maantay ko kaya sya? Babalikan nya kaya ako?

Hindi ko man nasabi na gusto ko sya atleast kung maging kami sa susunod.. sigurado na akong siya na talaga.

~~~~~~~~~~~~~~

3 years po itong naka-tambak sa Drafts ko. Onti lang binago ko kase SOBRANG cringey nya talaga.

Thank you sa magbabasa hehe.

Sorry sa typos.

Spread love not hate

09/22/19

Publish ko pa ba yung mga naka-tambak?😂

Pahingi nga ng Papel!! (one shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon