(PROLOGUE)

15 3 0
                                    



"Are you willing to give up everything you have, even the most precious thing to you? For the sake of others and for the LAST HOPE that will make change in your life."



*************************

Pagkatayo ko sa lupa ay agad kung inayos ang aking sarili. Napuno ng mga alikabok ang aking damit kaya pinagpag ko ito. Inangat ko ang aking ulo at pinagmasdan ko ang kapaligiran. Malaki ang pagtataka ko kung bakit ako napunta sa lugar na ito. Puro mga sira-sirang gusali, nagakalat na mga matatalim sa sandata sa daan at mga taong wala sa kanilang mga sarili ang tanging nakikita ko.

Hinakbang ko ang mga paa kung nanginginig dahil sa mga titig nila sakin. Parang handang-handa silang patayin ako ng ano mang oras. Ang mga mata nilang nanlilisik sa galit at pahagya akong napaatras na naging dahilan para matalisod ako sa isang kakahuyan. Dahan dahan silang lumalapit sakin habang may mga dala-dalang pamalo at patalim. Sinubukan kung tumayo, pero masakit ang aking paa. Hindi ko napansin na may sugat na pala ako at madaming dugo ang umaagos dito. Ngunit sa kabila ng lahat tiniis ko ang nararamdamang sakit at sinubukang tumakbo papalayo sa mga taong ito. Tumakbo ako ng mabilis... hinahayaan ko nalang ang mga paa ko kung san ako dadalhin ng mga ito para makatakas. Napahinto ako nang may biglang sumulpot sa harap ko at hinawakan ang magkabila kung braso. Nagpupumiglas ako ngunit sadyang napakahigpit ng hawak niya dito. Hinarap niya ako sa kanya, ang nagbitaw ng mga salita.

"Halimaw ka! Wala kang lugar sa mundong ito! Nababagay ka sa impreyno!" Sigaw nito.
Ano bang sinasabi niya!?
Hindi ko siya maintindihan. Ano bang sinasabi niya...

"Tama! Salottttt yann ditoo!"

"Dapat diyan pinapatayyyy!!"

"Sunogin siyaaa! Habang may panahon pa ang mga kalahi nating mabuhay"

"Putolan ng uloo yaaann!"

Hindi ko napansin na napapaligiran na pala nila ako. Ang lahat ng nandito ay nagsisigawan na dapat patayin ako. May biglang lumapit sa akin na isang tao at akmang may ihahampas sa mukha ko. Hindi ko siya napigilan... kaya ramdam na ramdam ko ang sakit at hapdi ng mukha ko. Sa puntong ito tuluyan na akong nahilo at nawalan ng malay.

***

Please help and support my story readers by voting and comments :) Thank You!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 15, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Lucid Last HopeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon