CHAPTER 1

34 3 0
                                    

" Love is a little word. But, the biggest thing in the whole world." Natatawang banggit ni Macoy sa kanyang sarili. Kung bakit ba naman kasi sa dami niyang pwedeng maalala e, yung malditang anak pa ng kaibigan ng dad niya. Aksidente niyang narinig ito ng dumaan siya sa likuran ng kanilang hagdan. Hindi na nga niya lubos na naaalala yung taon na nakita niya ito. Habang nagmumuni-muni siya ay nakahiga siya sa isang water bed ng kanilang guest room. May lamesa dun na katabi ng bintana, kung san ay matatanaw mo ang magagandang tanawin na nakapalibot sa hacienda.

Medyo may kalumaan na nga kung titingnan ang mansion. Ngunit, nananatili parin itong maganda at matibay.  May isang malaking fountain sa harap ng bahay at  mga naghihitikang puno ng mangga ang pumapalibot sa mga ito. Sa parting kanan naman ay makikita mo ang kanilang farm. Malapit kasi ang ina ni macoy sa mga alagang hayop lalo na sa mga kabayo.

Biglang tumunog ang kanyang cellphone. Napabaling siyang bigla.  Gulat na gulat ...

May kirot at sakit sa bawat pag tunog nito..

"Happy 4 years aniversarry honey. It's april 3 na po .. Gising ka na po .. I love you so much honey .." Tinig ng isang babae na nagmumula sa kanyang cellphone ang bumasag ng kanyang pagmumuni-muni. Unti-unti niya itong nilapitan at ng madampot ay tumunog muli sabay nag blink ang LCD at nag appear ang larawan ni lourisse. May nangilid na luha sa kanyang mga mata at tuloy pinunasan. Kung bakit ba naman kasi, hindi pa niya nabura ang reminders niya sa cellphone. 3 and half years sila nung naghiwalay.

Nagsawa na daw kasi ..

Yun ang katwiran ni lourisse kat macoy. Siyempre napakasakit nun para sa kagaya niyang lalaki. Lalo na at seryuso siyang tao. Isa siya sa kalahating pursyento ng taong nagmahal at nabigo. Larawan ng pagbagsak at dumanas ng isang matinding depresyon.

"Yeah! Mom was right." Bulong niya sa sarili.

Nagtungong muli ito sa bintana sabay bumuntong hininga. Nilasap niyang maige ang ihip ng hangin. Malayo ito sa lamig na bumabalot sa america. Wala na siyang snow na nakikita. Gayun pa man, pareho silang maganda. Kakauwi lang kasi niya rito at nagbabaka sakaling "Baka nga." Tama ang mommy niya na, dito sa pilipinas ay makalimot na siya at maisa-ayos muli ang buhay.

Nang biglang bumukas ang pinto at napaharap siyang bigla.

"Welcome home son.." Lumapit siya at yumakap kay macoy.

"I miss you so much ma." Masiglang tugon niya sa yakap na ibinigay ng ina.

"I am sorry anak ha. Hindi manlang kita nasundo sa airport. Tiningnan ko kasi yung location ng bago kong project."

"Ma don't say sorry."

"Ito talagang anak ko."

"Kumain ka na po ba ma?"

"Oo anak. Kumain na kami ni Arch. Tagubilin sa labas. Actually, kanina pa ako dito. Pinuntahan kita sa kwarto mo wala ka. Andito kalang pala sa guest room."

"Inikot ko lang ho itong bahay." He stared at the window at tinapik ang mommy niya.

"Ma look .. Mukhang kailangan na ng renovation nitong bahay. Pati yung mga kisame e papalitin na."

"Sa sobrang abala ko na pagandahin ang bahay ng iba eh nalimutan ko ng bigyan pansin itong bahay natin." Seryusong sagot niya.

"And ma, tatawagan ko na rin po ai tito darwin para maipa-check ang linya ng mga kuryente. Mag iisang dekada na ho atang walang naliligaw na electrical engineer dito..."

"Aba ang anak kung ito ,, kadarating mo palanv e ito agad bahay ang inu-una mo!" Sabay simangot. Napansin agad iyon ni macoy kaya dahan-dahan niyang inakbayan ang mommy niya sabay naglambing.

"Oy si mommy,, nagtatampo!" Panunukso niya.

"Paano? Bahay agad ang pina-prioritize mo.."

"Maaaaaaaaaaa.. " Mahabang pagbanggit niya run.

"Bakit?"

"Have i told you, how much i love you and dad?!" Paglalambing niyang muli.

"Sus! Kahit di mo na sabihin. Ramdam na ramdam namin yun ni daddy mo." Sabay ngiti nito sa anak.

"By the way iho.. tumawag nga pala si daddy mo." Pagbabago ng ina niya sa usapan.

"Ano pong sabi niya ma?"

"Your uncle topacio offered you a top three exclusive school na maari mong pasukan. Naikwento kasi ni dad mo na dito kana maninirahan." Hinawakan pa niya ang kamay ng anak.

"You are our legacy. So, promise me one thing." Pahabol pa niya.

"Ano po yun?!"

"Be happy..." Maikling tugon nito.

"Yun lang ho ba?" Natatawang tanong nito sa ina.

"Magkaiba ang ngiti kaysa sa saya."

"Pero diba! Kaya po tayo ngumingiti kasi masaya tayo.." Paliwanang ni macoy.

"Pero hindi lahat ng nakangiti e masaya. Dahil may mga ngiti na kailangan mo lang ipakita, kasi yun yung dapat makita sayo ng iba." Salungat ito sa sinabi ni macoy. Ngunit, tama nga naman si grace sa kanyang sinabi.

"Eh yung ngiti ko ba ma? Ngiti lang po ba talaga ito? o dahil sa masaya ako?!

"Ikaw lang ang makakasagot niyang tanong na yan." Magsasalita na sana si macoy ngunit bigla na namang umimik ang ina.

"Anak lagi mong tatandaan na , maraming pwedeng maging dahilan para maging masaya. Una, masaya ka kasi gusto mo yung ginagawa mo... Pangalawa, dahil naipapakita at tanggap nila yung pagkatao mo.. Pangatlo, dahil kuntento ka.. And lastly, masaya ka dahil nagmamahal ka... So don't miss a chance to become happy. Dahil di ka magiging succesful, kung di ka masaya." Payo ng mommy niya.

"Opo ma. Salamat."

Damang-dama ni macoy ang gustong mangyari ng mommy niya. Okey naman sila ng pamilya niya. Kaso may nagbago kay macoy nung pumunta siyang estates. Medyo nabawasan ang  pago-open niya sa magulang. Nung naghiwalay kasi sila ni lourisse e parehong busy sa magkaibang project ang parents niya. His mother is a civil engineer while his father is an industrial engineer. Kapwa sila hindi umalis ng bansa at nagpasyang dito sa pilipinas maglingkod. May kababaan ng kita ngunit, pagtutulungan nilang dalawa hanggang sa yumaman sila. Kaya ng ipinanganak si macoy ay maayos na ang buhay nila. Pitong taon si macoy ng ipadala sa america at dun ipagkatiwala sa tiyahin nito ron. Hanggang sa magbinata.

Nag-aaral siya nun sa Harvard University at dun na nagluko. Nangyari yun ng hiwalayan siya ng dating kasintahan kaya ng ipaalam ng tiyahin ni macoy sa ama ang nangyayari ay hindi na ito nag atubiling magdalawang isip na lumipad papuntang america. Hindi niya ito pinaalam sa asawa dahil kung malalaman nito ay baka mawalan siya ng konsentrasyon sa mga new projects.

Nagsimula na ang first semester. Naging maayos si macoy at mas naging matured. Napaka bilis na dumaan ng panahon sa kanya. Naipasa niya ito...












Author: yeah ! Kangalay magsulat .. Ooooh next time ulit ! Mwahhhh sana po dumami na ang readers at votes ko wahuhuhuhu :)

Sa mga babasa pa, salamat po ♡

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 30, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

When She CriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon