Chapter 1- Are you a Guardian?

9 0 0
                                    

Maniniwala ka ba kung ang isang kamatayan o kaya naman ay tagapagligtas ang siyang darating sa buhay mo?

Mas pipiliin mo bang mabuhay na lang o hayaan na kunin ka ng kamatayan. Kung mamahalin mo ba siya kahit na anong katangian ang meron siya?

Paano kung hindi ka pinapili at kusa na lang ito dumating sa buhay mo. May magagawa ka ba?

"Ano yan?" Bulong mula sa kaibigan ko si Abegail.

Hindi ko siya pinansin, nagpatuloy lang ako sa pagbabasa.

"Pakita" Hinablot niya ang libro na hawak ko tapos pinag masdan niya lang ito na animoy ngayon lang nakakita ng libro

"Wala kang work?" Tanong ko saka ko ibinaba ang headset sa table. Nasa library ako kung saan iyon ang paborito kong tambayan

"Day off ko, hindi kita matawagan. Naka flight mode na naman siguro yang phone mo. Hay naku, hindi ka pa rin nagbabago. Palabasa ka pa rin" Tapos binuklat buklat niya iyong libro kahit hindi naman binabasa

"Dahan dahan naman sa pag buklat, mahal kaya niyan"

"Ewan ko ba sayo, simula high school ito na pinagkakaabalahan mo. Tapos ngayon ang title kamatayan? Ano bang kuwento ito?"

"The title is Death" Depensa ko

"Kaya nga, kamatayan, death. Mali ba ako ng pagkakaintindi?" Tapos kumurap kurap siya

"Tsk" Kahit kailan talaga walang kahilig hilig sa mga libro itong si Abegail

"Try mo kaya mag basa" Sabi ko tapos nag cross arm ako

"Baka kakabuklat ko pa lang ng page, ayaw ko na"

"Ewan ko sayo" Alam ko naman na mas gusto niya ang manood ng movies kaysa mag basa

"Tara?" Saka inabot ang kamay niya

"Nagtitipid ako"

"Libre ko" Pabulong niyang sabi
Ano pa nga ba ang magagawa ko edi sumama para makalibre

Nasa cafe kami ngayon, dating hangout namin nung high school at college

"Good day ma'am, what's your order?"

"Latte then padagdag ako ng blueberry cheesecake. Sayo?"

"Fruit juice lang, hmm Strawberry fruit juice"

"Iyon lang? Ang tipid mo naman masyado. Don't worry I got you. Order ka lang ng gusto mo"

"Same as your order" Sabi ko na lang
Tapos naningkit iyong mata niya

"Pa-add pa ako ng blueberry cheesecake"

Habang kumakain kami, nag kwento siya tungkol sa ex niya. Kahit noong high school pa kami patay na patay siya sa ex niya.

"Ang tagal na niyan, hindi ka pa rin nag moved on?" Sabay inom sa fruit juice ko

"Ang gwapo pa rin niya nakakainis bakit kasi na fall ako sa isang tulad niya. Kung alam ko lang kung paano mag manage ng time sana hindi namin pinag awayan yon at kami pa hanggang ngayon" Saka siya sumubo ng isang kutsarang cake

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 19 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Nothing Lasts ForeverWhere stories live. Discover now