Nanginginig ang mga kamay ko habang hawak hawak ang isang kahon na nag lalaman ng isang maliit na bagay na pwedeng makapag pabago ng aking buhay.
"Ella bakit ang tagal mo? Pati ako kinakabahan na e!" Katok sakin ni Tina.
Butil butil na ng pawis ang namumuo sa aking noo. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.Lumabas ako ng cr habang mahigpit ang kapit sa isang pregnancy test.
"Oh anong resulta? Tinignan mo na ba?" Umiling na lamang ako, hindi na ako makapag salita dahil sa labis na kaba.
"Kinakabahan ako, pano kung positive?" Hindi ko na alam kung anong gagawin.
"Hindi pa tayo sigurado, bilisan mo nat tignan na natin para makasigurado tayo."
Dahan dahan kong binuklat ang aking mga palad at parang biglang lumabas ang aking kaluluwa sa aking katawan dahil sa nakita.
Dalawang guhit..
Ang ibig sabihin
Buntis ako....
Nag uunahan na bumagsak ang aking mga luha, nanlambot ang aking mga tuhod at bigla nalang napa upo sa sahig.
"Hindi pwede! Anong gagawin ko Tina?" Hagulgul ko
"Ella makinig ka, wala kang gagawing masama sa bata! Sabihan mo yang lintik na Bryan na yan para panagutan kayo!" Lalo lang akong napa hagulgol dahil sa sinabi ni Tina.
"Tina wala na kami" pabulong kong sabi.
"Ano!?"
"Wala na kami! Nakipag hiwalay na sya sa akin"
Inis na sinabunutan ni Tina ang sarili.
"Kahit kailan talaga walang kwenta yang Bryan na yan! Ano pag katapos nyang makuha ang gusto nya lalayasan ka na lang bigla! Okay pa sana kung walang nabuo, pero lintik na yan nakabuo pa!" Galit na sabi ni Tina.
"Anong gagawin ko, pano ko sasabihin kila mama at sa mga kapatid ko to! Pano ang pag aaral ko!?" Bumuhos na naman ang mga luha ko.
"Kailangan mong sabihin kaagad kila tita yan, mabuti ng sayo na manggaling."
"Baka playasin nila ako"
"Bakit naman nila gagawin yon aber? Mahal na mahal ka nila sa tingin mo ba Basta Basta ka nalang nila papabayaan?"
Naging matagal pa ang pag uusap namin ni Tina dahil hindi pa ako tumatahan, ng medyo nahimasmasan na ako ay inihatid na ako ni Tina sa aming bahay.
Hindi madali ang mga nangyari, pero sa kabila nito'y nakatanggap naman ako ng isang angel.
Minsan na akong nag mahal ng lubos, at isinusumapa ko na sa darating na panahon ang pamilya at anak ko nalang ibubuhos lahat ng aking pag mamahal.
BINABASA MO ANG
To Love Again
General FictionIsang pusong minsan ng nasaktan, isang pusong takot ng sumugal ulit sa pag ibig. Mag babago kaya ito sa pagdating ng panahon?