Kabanata 2

4 1 0
                                    

Pagkarating ko sa room ay nagmadali na akong nag ayos dahil baka nakatulog na si Emman. Miss na miss ko na panaman din sya kahit maghapon ko palang syang hindi nakikita. Ganon naman yata talaga, mabilis mong ma miss and anak mo.

Nang matapos akong magayos ay dali dali na akong pumunta sa kama at tinawagan na sina mama. Ilang sandali lang ay sinagot naman na rin niya ito. Agad na bumungad sa akin si Papa at sa likuran naman niya ay nandoon si Mama. 

"Hi pa, si Emman po?" tanong habang papahiga sa kama. Nakakapagod kasi kahit na wala naman kaming gaanong ginawa.

"Nasa kuwarto ni Koby, hindi pa natutulog dahil kinukulit pa ng kuya mo" sagot naman nito. Lumapit na rin si mama sa tabi ni papa.

"Hindi naman po ba sya umiyak maghapon?" Tanong ko at nagayos ng upo para makausap ng mabuti sina mama.

"Hindi naman, naaliw sa mga tito" pagsagot ni mama sa tanong ko.

Buti nalang at hindi sya umiyak. Kadalasan kasi e umiiyak 'yun kapag umaalis ako, na libang nga siguro sa mga tito.

"Kung gusto mo syang makausap e ang kuya mo ang tawagan mo dahil andoon sila sa kwarto niya" Sabi ni mama at bumalik na sa kanilang ginagawa.

" Bakit parang pinapaalis nyo na ko, ayaw nyo ba kong kausap, or.." pagbitin ko sa aking sasabihin, tumawa naman sila dahil sa kalokohan ko.

"Marami kaming gagawin, etong batang to talaga, oo" natatawa na ring sabi ni mama.

"Oh sya sige na ma, pa, baba ko na. Tatawagan ko na si kuya at baka nakatulog na si Emman." Sabi ko at binaba na rin ang tawag. Pagkatapos ay agad ko na ring tinawagan ko na si kuya. Matapos ang ilang sandali ay sinagot na rin niya ang tawag. Bumungad sa akin ang mukha nilang dalawa ni Emman habang nasa kama, nakadapa.

"Hi baby!" Masiglang bati ko rito. Miss na miss ko na siya kahit wala pang isang araw ang nakakaraan.

"Mommy! Bakit ngayon lang po kayo tumawag?" Naka busangot na tanong nito.

"Sorry, ang dami kasing ginawa ni mommy ngayong araw. You will forgive me naman diba" paglalambing ko.

"Yes, in one condition" sabi nito, umupo na at pinag-krus pa ang mga braso. Ay sus ang batang ito talaga.

"Ang what is that one condition" tanong ko naman, sinakyan ang trip ng makulit kong anak.

"Say, Ang pogi ni Dada koby!" Sabi nito at tumawa ng tumawa. Nakisabay pa si Kuya.

"What? I won't say that. Remember truth lang dapat palagi ang sinasabi natin" Sabi ko at nakita ko naman ang pag-iiba ng itsura ni kuya kaya natawa na ako.

"Ah ganon pala, pinapaalala ko lang sayo ma mag ka mukha tayo ha. Baka Kasi nakalimutan mo" ngingisi-ngisi nitong Sabi.

Natawa na rin ako. Totoo naman kasi ang sinabi niya. Magkakamukha halos kaming tatlo. Marami nga ang nagsasabi na girl version daw nila ako, well totoo naman.

We have the same eye color. Mahahabang pilik mata, matangos na ilong at mapupulang labi. And we are all moreno and morena. The only difference is, mas maliit ang mukha ko kumpara sa kanila.

Pati nga si Emman, kuhang kuha ang mga features namin. Kaya ang mga hindi malalapit sa amin napagkakamalan siyang bunsong kapatid okaya naman e anak ni kuya.

Nagtagal pa ang paguusap namin dahil ang daming kwento ni Emman, napagalitan ko pa nga si kuya dahil pinakain na naman pala niya ng maraming sweet itong si Emman kaya pala ang hyper-hyper ngayon. Kung hindi lang inantok si Emman hindi namin tatapusin ang tawag.

Ilang sandali pagkatapos kong ibaba ang tawag ay sya namang pagpasok ni Kath sa kwarto.

"oh tapos na kayong mag-usap?" tanong nito habang abala sap ag tatanggal ng make-up. Ako naman ay humilata na sa kama. Grabe napagod ako.

To Love AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon