~9 Memories

10 1 2
                                    

This Chapter is Dedicated to: animecreator_dream18. Wala lang natutuwa kasi ako sa kanya. :)
Nakamobile lang kasi ako kaya ganito lang ang pag-dedicate. ^^
Hope you also like this story :))
ENJOY!

Jehy's POV

Haay kamusta na kaya yun? Naeexcite na talaga ako kay PiiCee at feeling ko magtatagumpay ako sa Mission ko. :D

PiiCee's POV

Grabe ang saya naman sa kanila. Only child lang pala si Zyreel kaya tinututukan talaga nila. Ayaw daw kasi nilang pabayaan yung unico hijo nila, yung parang gaya daw ba sa mga movies. Sayang naman daw ang kagwapuhan ni Zyreel kung magiging rebelde. Hahahahaha. Di porque mayaman at marami silang business ay ipagkakatiwala nalang basta-basta sa mga maids. May pantay na oras naman daw kasi sila para sa lahat ng bagay. Sana nga ganun nalang din si Daddy at Mommy e. :(

---Sa labas ng bahay ng bahay nila PiiCee---

"Thanks for tonight." sabi ko kay Zy kasi sobrang nag-enjoy talaga ako ngayong gabi.

"Hindi naman halatang nag-enjoy ka?" pambabara niyang sabi kaya natawa nalang ako. Kasi halatang-halata namang nag-enjoy ako e, magkaroon ka ba naman ng ganung mga magulang ay swerte ka na. :)

"Hahaha. Medyo masungit ka na niyan? Kaya nga ako nagtha-thank you e." bigla daw ba akong sinungitan. Laughtrip kasi medyo na-OP ata?

"Ah! Welcome. Hindi naman. Medyo lang. May bigla lang kasi akong naalala." pansin ko nga kasi biglang lumalim yung iniisip niya. Medyo natulala pa nga e.

"Okay lang yan. Minsan may times na malungkot kasi naiisip nating may nawawala at umaalis na naging parte na ng buhay natin.. tama nuh? Tao yung iniisip mo?" tanong ko kay Zy.

"Oo e." tugon naman niya sa'kin.

"Sabi ko na nga ba e. Ganun talaga may mawawala at may pumapalit naman. Na pwedeng makapawi ng lungkot na nararamdaman natin. Huwag ka mag-alala may dadating naman para muling mabalik yung mga tunay mong ngiti na mula dyan sa (*pointing sa puso*) mo. Di mo lang alam nandyan lang pala yan sa tabi-tabi di ba?" mahaba kong speech sa kanya. Hahahahaha. Speech talaga e nuh? ^^v

"Top 1 ka nga talaga. Huwag ka mag-alala. I'll try." may ngiti niyang sabi.

"Huwag I'll try, kundi I'll do!" pagtatama ko sa kanya.

"Hahahaha. Oo na, I'll do. And with that i'am challenging you." sabi ni Zy at nanghamon pa.

"O sige ba! Challenge Accepted." sagot ko naman sa paghahamon niya.

"But wait, may tatanong ako sa'yo." sabi ni Zy.

"Ano naman 'yun?" tanong ko naman sa kanya ng may pagtataka.

"Naranasan mo na bang magkaroon ng kaibigan? Siya yung pinaka-una mong kaibigan tapos nilayo pa siya sa'yo?" tanong niya pero feel ko na naman yung lungkot sa kanya. Siguro siya yung bigla niyang naalala.

"Hmmm? Actually hindi ko 'to pinagkakalat pero siguro pwede naman sa'yo kasi mukha ka namang mapagkakatiwalaan. Hahahaha. Si Dad, Mom, Ate, Kuya at Jehy lang ang nakakaalam nito. Well let's just say na may Retrograde o in other term ay temporary amnesia ako na nagka-cause ng severe brain damage sa utak ko, kaya hindi ko alam kung meron. At ngayon hindi pa rin ako fully recovered sa mga bagay-bagay sa past para sa akin." medyo lumungkot pa na din yung boses ko. Ang tagal naman kasi, ilang years na ang lumipas at hanggang ngayon hindi pa rin ako as in fully recovered.

"You mean those memory of yours in the past ay hindi mo na naaalala?" medyo naguguluhang tanong niya.

"Yeah, parang ganun na nga. Bata pa ako nun." sabi ko ng medyo mapawi na ang lungkot kong naramdaman.

"Parang ganun ka pala dun sa kaibigan kong nawala." sabi ulit ni Zy.

"Namatay?" gulat kong tanong.

"Hindi.."pinutol ko ang sinabi niya.

"Kasi sabi mo nawala e.." Aish. Ako naman yung pinutol nito.

"Hindi pa kasi ako tapos magsalita." natatawa niyang sabi.

"Hahahaha. Oo na. Makikinig na ako." sabi ko.

"Ganito kasi yun basta ewan ko? Nagkalayo lang din kasi kami." pagpapaliwanag niya.

"Ah. I--i think this time is enough. Marami pa namang oras at araw para sa pagkukwentuhan natin yung mga bagay-bagay." medyo nahihiya kong sabi. Kasi naman e. Gabi na, ang paalam ko lang ay saglit lang ako.

"Ah okay. Sige na Good Night and Thank You din." sabi nalang niya.

"Good Night at Welcome." sabi ko bago tuluyang pumasok sa bahay namin. Pumasok ako sa bahay ng may ngiti sa'king labi.

Read.Read.Vote^^
©CrenCei2

My Bestfriends' Lovelife 2 [ OnGoing ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon