Fangirl habit: When you like something because they like it.Date posted: October 30, 2014
--------------------------------------------------
"Kyungsoo, ano? Tutunganga ka na lang ba lagi diyan? Tignan mo, 'yang mga mata mo. Luluwa na." Narinig kong sabi nang bestfriend ko na si Baekhyun. Tss. Nang-aasar nanaman.
"Pwede ba, Byun? Kung mang-aasar ka lang. Lubayan mo na 'ko." Naiinis kong saad. Nakita ko naman lumapit sakanya ang higanteng boyfriend niya na si Chanyeol.
"Ang aga aga nag-babangayan kayo diyan." Sabi nitong higanteng 'to.
"Nako, nako. Hoy, kapre. Ilayo mo nga muna sakin 'tong baklang 'to. Naiinis ako. 'Wag ngayon." Nag-salute naman siya sakin atsaka hinila si Baekhyun palayo.
Umupo na lang ako sa bench na kanina ko pa inuupuan.
Ako si Do Kyungsoo. Pero karaniwang tinatawag sakin ay Kyungsoo. Ang dami nga nilang tinatawag sakin, eh. Kyungie, Kyung. Basta, ang dami. Pinage-experimentuhan nila ang pangalan ko.
Bakit ako badtrip? Pa'no, 'yang sunog na si Jongin. May babae nanaman. Sanay na naman kasi ako. Pero tangina lang, kailangan sa harap ko?
Nasasaktan po kaya ako.
Oo. Nasasaktan ako. Simula't sapul, mahal ko na siya. Hindi ko alam kung bakit mahal ko siya, eh. Oo, bakla ako. Nabakla ako dahil dito sa sunog na taong 'to.
"Hi Kyungsoo." Bati ni Luhan. Blockmate ko siya. Kasama niya ang boyfriend niya na si Sehun.
Buti pa sila, ay sila na pala? Nakakainggit naman. Kami ni Jongin? Tangina, walang nangyayari. Roommate lang ang turing niya sakin. And syempre, bilang groupmate lang. Magkasama kasi kami sa isang group. Basta, dito 'yun sa mga activities nang school.
"Hello. Lunch na ba? Ang aga naman." Tinignan ko ang wrist watch ko.
"Wala na kasing class. Na-cut. May biglaang meeting daw kasi ang mga teachers."
"Gano'n? Oh, sa'n punta niyo?"
"Yayayain ka sana namin, kumain muna. Nagugutom na kami, eh. Nakita ko naman na wala kang kasama diyan."

BINABASA MO ANG
Deeply In Love With You (Kaisoo One Shot)
Short StoryI'm so deeply in love with you, Kim Jongin. - Do Kyungsoo. [Short story/One shot] Date posted: October 30, 2014 @-mskimseokjin