Nakarating kami ni cassey sa aming silid aralan ng wala pa ang guro marahil ay may meeting na naman ito para sa darating na foundation day, kaya nga't ito ako at nagaaral dahil malamang ay madadaliin nila ang mga pagsusulit dahil mawawalan ng klase sa ilang araw na pagdiriwang ng foundation day. Pabuklat na ko ng aking libro ng may isang lalaking natapat sa pintuan ng aming silid, marami ang napalingon sa kanya, at marahil ang mga kababaihan ay namumula na sa kilig ang angkin niyang kagwapuhan ay dinagdagan pa ng kanyang tangkad na wari'y hindi maabot. Agad siyang pumasok at umupo sa aking tabi na hindi ko inaasahan dahil sa aking pagkatulala sa kanyang kagwapuhan. Maya maya lamang ay dumating din ang aming guro "okay class may bago kayong kaklase ngayon siya ay si cyrell, cyrell come here in front and introduce yourself" nakita ko sa gilid ng mata ko ang kanyang pagtayo napasunod ang aking tingin at di ko maiwasang di maikomplimenta ang kanyang malaperpektong itsura; ang kanyang makakapal na kilay, matangos at maliit na ilong at ang kanyang labi na kay pula ng rosas, ang kanyang mata ay di mo kakikitaan ng kahit anong ekspresyon na para bang di mo mababasa ang kanyang iniisip kung hindi mo siya kilala kay gwapo nga ng mukha kaso ay mukhang masungit hmp. "Cyrell kurt rovhecs, 17." Maigsi at malamig niyang tugon sa unahan nababalot rin ito ng misteryosong awra na tila mapapaso na kung lalapit ka, hmmm? misteryoso nga, bakit ikaw lang ang unang taong nahirapan akong basahin ang mga mata? bakit walang ekspresyon ang mga ito? ano ang iyong pagkatao at bakit may parte sakin na gustong malaman ito lahat? ang gulo, ang gulo gulo...
BINABASA MO ANG
Stay, Love and Rest
Teen FictionIsang babaeng napagod sa kahihintay ng lalaking magpapatibok ulit ng kanyang puso kaya't mas gusto na lang ang pagpapahinga sa kanyang sarili. At isang lalaking pilit na hinahanap ang babaeng mananatili sa kanyang tabi kahit pa malaman nito ang pina...