"Celina Marie!!!!!" Pagsigaw ng isang maliit na babae kay Celina mula sa malayo.
Lumingon si Celina sa pinagmulan ng boses babae saka nakita si Samantha, bestfriend niya.
"Thathaaaaa!!!" Tumakbo silang dalawa papunta sa isa't-isa saka mahigpit na nagyakapan.
"So anong room number mo kwek kwek?" Pagtatanong ni Samantha.
"19 Fishball, ika—"Di pa man nakakatapos sa pagsagot, nauna nang tumili si Samantha dahil pareho sila ng room number.
"Yah! pareho tayo! sabi na nga ba eh, kanina pa'ko may pakiramdam na magkakasama ulit tayo, since roommate naman tayo last year and I guess mas okay yon kase imagine-in mo pwede ulit tayo mag-late night talks about my crush and also about eating lunch with one of the most handsome guys dito sa campus, like it's soooo amazi—" Tinakpan ni Celina ang bibig ni Samantha saka siya tinignan nang badtrip na titig.
"Alam mo? Wala pa tayo sa kwarto naten, naiinis na ko sayo.Hindi ko alam kung bakit di ako masanay sanay sa pagiging madaldal mo." Ngumiti ng nakakaasar si Samantha saka tumakbo papasok sa Elevator, na siya namang agad na sinundan ni Celina.
---
Room no.19Celina's POV
"So, how was your summer?" Kalmadong tanong ni Samantha.
"Not that cool." Sagot ko.
"Seriously Celina Marie? Summer yun, so malamang hindi talaga cool.Ano ka ba?" Napasapo ako sa noo nang marinig ko yung sinabi niya.Kahit kaulan talaga, wala nang itinalino yang utak niy— ayy teka, di nga din ako sure kung may utak ba'to o nilamon nadin ng K-drama.
Yes, Samantha loves K-Dramas a lot.Hindi siya fan ng K-Pop groups or anything like that, She only loves watching K-Dramas to be specific like 'My Love from the Star'.Ewan ko den kung anong nagustuhan niya sa ganon.Minsan nga'y bigla bigla nalang to'ng nagko-korean, magugulat nalang ako, kausap na niya sarili niya sa salamin habang nagpapacute.Normal pa ba siya?hayss...
"Ang lalim yata ng iniisip mo?" Pagtatanong niya.
"Hindi naman...mas malalim pa din naman yung dede mong sa sobrang lalim di na naman makita." Tinitigan niya ko ng masama.Akala niya naman masisindak niya ko sa titig niya."Oh bakit?na-hurt ka?totoo naman ah?" Bigla niyang kinuha cellphone niya saka parang may tinawagan.
"Hello tita Alice?opo, Medyo sobra na ho anak ninyo, masasampal ko na'to konti nalang talaga." Natawa ako saka siya niyakap.
"Peace tayo, patingin nga?" Hinila ko sando niya saka sinilip kung may dede ba talaga siya.Ayun nakita ko, lawlaw na bra.Malamang lalawlaw walang pagsasabitan e.HAHAHAHAHA.
"Dun ka na nga!" Iritadong sigaw niya sakin na siyang nagpabalik sakin sa kama ko.Haha, sarap niyang inisin kase pikon siya lagi 😂
"Gabi na Celina Marie, Goodniiiiiight! Sleepwell!" Nag-thumbs up ako sa kanya bago ako humiga sa kama ko't pinatay ang Lampshade na nasa bedside table ko.
"Hmm.." Pag-hum ko saka tuluyang pumikit.
E N D o f P R O L O G U E .

YOU ARE READING
"When we we're 20"
Novela Juvenil"Bakit di pwedeng ibalik yung dati?" "Kase dati na iyon, at may iba na ko ngayon."