Dedicate ko po kay ate ariaterose kasi kaka'publish ko lang nitong story nakuha agad xD (sorry naka'mobile lang po ako (∩_∩) )
1: That Guy
*kriiing!! kriiing!!*
Ang ingay naman. Bumangon na ako pero nakapikit pa rin yung mga mata ko. Nakaupo ako, tsaka tumayo.. naglakad hanggang sa--
"Ah! Ansakit..." sabay himas himas sa ulo ko. Nauntog kasi ako eh.
"Ayan ang napapala ng tamad gumising eh. Hahaha!" Agad akong napamulagat. Sabay tingin dun sa sofa ko.
"Ang aga aga. Ano? Mang-aasar ka nanaman ba? Di pa ako ready. Antayin mo ako sa labas." Sabi ko at aakmang aalis na papuntang banyo nang tawagin niya ako.
"Ririe!" Pagtingin ko... bigla niya akong binato ng unan kaya sapul sa mukha ko. Dahan dahan akong tumingin sa kaniya.. tsaka tinignan ko siya ng masama.
"Humanda ka sa'kin!!!" Ayun naghabulan kami. Di ko nga mahabol sa bilis niyang tumakbo. Hindi niya ata napansin yung sapatos kong pakalat-kalat kaya... natumba siya kaya nahabol ko na. Makakabawi na ako nang may pumasok.
"Ooppsss!! Pasensya sa istorbo. Hehehe" tsaka lumabas ulit at sinarado yung pintuan. Problema nun?
"Uy! Ang bigat mo kaya. Alis na."
Tumingin ako kay Karls tsaka ko lang napagtanto kung ano ang posisyon namin. N-nakapatong ako sa kanya. Nakahiga siya at ako nakaupo sa tiyan niya habang.. habang nakataas ang isa kong kamay na may hawak na unan.
"Waaah!! Nakita tuloy tayo ni Thea! Nakakaasar ka!!" Tumayo ako bigla, binato ang unan sa kanya tsaka nagtatakbo sa banyo. Waaaah!! Nakakaasar!
Nga pala, sila ang dalawang bestfriend ko. Si Thea, yung pumasok kanina. Mabait siya, pero medyo maingay. Makulit pero maganda. Maraming naghahabol diyan pero kapag may manliligaw laging sinasabi. "May bf ako. Gusto mo ba tawagin ko?" Ayan lang naman. Pero mahal ko yan. Uy di ako tomboy ah. Mahal ko siya as bestfriend.
Yung isa namang lalaking makulit na madalas paggising ko nasa sofa ko, si Karls. Habulin ng babae, sikat din sa campus tulad ko. Dancer sa school na 'FamKODancers' ang pangalan ng grupo nila. Fam means famous, K-arls, O-wen, and D-aph ang ibig sabihin ng KOD tsaka dinugtong na yung word na Dancers dun sa D. Sila nag-isip nyan.
At syempre ako, the serious type pagdating sa school, I'm Rienaki Yhuan. Ririe tawag sa'kin ng mga bestfriends ko. Yung ugali ko sa school, opposite dito sa bahay. Kaya ang nakakaalam ng totoong ugali ko, no other than my bestfriends. Masungit ako sa school, kunti lang naman. At the same time kailangan na magmukha talagang babae, di tulad dito sa bahay na medyo magulo ako. Bakit ako famous? Bukod sa mayaman kami, ako ang Ms. Reavilla University sa school namin. Sa Mr. Reavilla University naman, err.. di ko kilala. Well, i don't care. Bakit iba ang ugali ko sa school at bahay? In one reason... ayokong may naghahabol at nanliligaw sa'kin. Nakakairita kaya kailangang maging masungit pero waepek ata ang pagsusungit ko.
Another thing, napag-usapan namin ng bestfriends ko, not to take a relationship. Hindi kasi kami naniniwala sa forever. Yes, we just only believe in friendship. And another yes, wala pa kaming naging bf/gf.
Pagkatapos kong mag-ayos, lumabas na ako syempre. At aba! Ang mokong nasa harap nanaman ng laptop ko -_-
"Oh, tapos ka na pala. Tara labas naman tayo. Pasukan na bukas eh, sulitin na natin." Tumayo siya saka humarap sa salamin. "Gwapo ko talaga."
"Tsk! Ang hangin naman. Alis ka nga dyan baka mabasag pa yang salamin eh." Sabi ko sabay tulak kay Karls.
"Talagang mababasag yan, di makakayanan ang kagwapuhan ko nyan baka nga may lumabas pa dyan na diwata eh." Humarap ako sa kaniya at tinaasan ng kilay. Ngumiti pa ang mokong.

BINABASA MO ANG
F.L.A.M.E.S.
RomanceAminin natin, ilan sa atin ay mahilig hanapin ang ating ka-soulmate through the use of FLAMES. Yun bang isusulat ang name mo pati ng crush mo to know kung ano nga ba kayo kahit na alam mong it's just a game or para mawala ang pagka'bore. This story...