Prologue"Get the hell out of here." I turned to my secretary. Kanina ko pa 'to kinikimkim at naibuntong ko pa nga sa iba.
Sa galit ay sobrang pula ko na siguro at ang lamig na galing sa aircon ay hindi na din tumatalab sa akin.
Napaka-oa ng mga sinasabi ko pero sadyang nakakainis lang ang mga nangyayari. Hindi ata kakayanin ng utak ko. Isa na nga lang ang braincell ko! Tapos ganito pa!
Napahawak nalang ako sa aking swivel chair at umupo dito. I sighed in frustation.
The company is in a mess. But this is my problem, I should solve it soon.
Now that I've kind of calmed down a bit, nagsisi tuloy ako dahil nagalit ako sa aking sekretarya na ginagawa lang naman ang kaniyang trabaho. Nadamay pa tuloy siya.
"Via, I'm sorry." I looked up to her apologetically and she just assured me with a smile and left.
Pero kung alam ko lang na ganitong kompanya ang dadatnan ko, I shouldn't have inherit it and flew away abroad. In that way, I would have a life that I can enjoy. But no! I'm stuck in this place, as the CEO of the DNV incorporation.
I'm being brat again, fuck. Nagbago talaga ako? Sa ilang taon na nawala ako, wala ba talagang nagbago? Damn.
I sighed. I was in a messy bun and a formal attire. Tumutulo na ang pawis papunta sa aking dibdib mula sa aking collarbone. Dahil na rin siguro sa inis ko kanina at sa dami kong ginawa at hinabol. Napayuko ako at kinagat ang aking ibabang labi.
I also need to convince some board members not to withdraw to our company. Bababa ang stocks nito, panigurado and that's a big problem for us. Our company was one of the known companies here and damn, what the hell happened? Bakit ganito?
Lolo is old, I know that, but is that a reason for all of what happened?
Ang kompanya ay baon na sa utang mula sa iba't ibang kompanya. Gusto ko lang malaman bakit ito nangyayari. Hindi ganito 'yung kinalakihan kong nirerespeto at tinitingila ng lahat na DNV corporation and this mess was passed down unto me.
Hinilot ko ang aking sintido, it's throbbing dahil sa sakit ng aking ulo, nagpakawala ako ng malalim na hininga. Pagod na pagod na ako...
Well I'm capable of surviving this but I guess I need to suffer and sacrifice a lot first, right? Tinetest talaga ni Lolo ang nag-iisang braincell ko.
Alam kong may iba pang rason, kung mawalan man kami ng milyon, wala lang naman iyon sa amin.
Empleyado narin mismo namin ay isa-isang umalis, kakaunti na lang ang naririto , sino nga ba naman ang willing mag-trabaho sa isang kompanya na baon sa utang? At ibig sabihin no'n ay kaunti lang din ang naka-gagawa ng trabaho. It was a sure loss for us. Kung sino mang nagplano nito, he or she should feel my wrath. Like hell kahit sino pang Pontio Pilato. I hate you!
Maya-maya pa ay tumunog ang telepono sa aking desk, naiirita man ay sinagot ko iyon. "Ms. Sierra Pristine Donavan, CEO of DNV incorporation, speaking. Who's this?" hindi parin siguro mawala ang bahid ng aking pagkairita, the reason why I sounded bitchy between the call.
"Ang lolo mo ito. How's the company hija? I'm really sorry," He sighed.
"But I'm begging you to fix it please also I'm entrusting you this company. I trust you in this field, dapat ay ang dad mo ang nandiyan sa pwestong 'yan or either your mom but they're long gone and I don't have any sons or daughter to manage it as good as you can. Kung meron man ay hindi ko alam kung magagawa nila ng tama. You are the best candidate for the position hija. I know you know that." Yeah, I am all alone now. I live alone in a condo but sometimes I stay in the mansion with Lolo.
BINABASA MO ANG
Ravaged Souls (Under Revision)
ChickLitSierra Pristine Donovan. Sierra's life only revolves around his friends or either family and studies. She's a campus journalist and taking Architecture for her course in Mapuà University but forced to take business ad after a year. But when she and...