"Do you wonder what kind of love do you want?"
Hmmm... Interesting! Alam kung malapit na naman ang buwan ng Pag-ibig at marami na namang gimik ang bawat sulok didto sa amin. Nakakasawa na. Pero parang iba to ah.
Pumasok ako sa loob ng isang tent at may nakita akong babae na naka custome na parang manghuhula.
" Maganda umaga iha, hali ka't maupo. Ako si Madam Minerva!" Sabi nya in a weird way.
And this is creepy.. may pausok effect pa.
Ay, ma effort si madam. Natatawa kung isip at umupo na rin. ." Pick a card iha, and give it to me."
"Oh okay?" At kumaha ako ng isang card sa tatlong nakalagay sa mesa. Sa may gitna yung napili ko. Kasi wala lang, I just follow my Gut feeling. Haha
Pero nung nakita na nya yung card ko, she had this kinda weird expression. I don't why pero kinakabahan ako.
" This Card is a rare pick iha, Isa itong sinyales na makikita mo na ang natadhana sayo. Kung baga yung The one mo na. "
Wow. . I don't know what to say kaya nakatulala lang ako. Kasi ang weird lang. Hindi naman sa bitter ako, pero I have this feeling na magiging matandang gurang ako for life.
" Pero wag kang padalos dalos iha. Kasi alam mo na ang Love mapanlinlang. Kung nakikita mo didto may tinik na naka tusok sa puso at ang ibig sabihin hindi magiging madaling makuha ang taong para sayo, dahil nasa kabilang buhay ang kalaban mo. At.." She said while holding my hand kaya dali dali ko itong kinuha.
" ay. Sorry po Madam pero hindi po kasi ako naniniwala sa hula. Salamat po at ito ang bayad." After I give the money ay umalis na ako at hindi ko na tinapos ang iba pa nyang sasabihin.
Pagdating ko sa inuupahan kung apartment ay humiga ako sa kama. Maliit lang ang loob ng'apartment may isang kwarto lang. Yun nga for singles only.
Papikit na sana ako nang tumunog ang phone ko.
" Hello! Sino to? "
" Hey Cous! Ako to si Coleen. "
"Oh, Sorry naman. Oh anong atin?" At tutal hindi ako makakatulog nito ay lumabas nalang ako at kumaha ng makakain Ref.
"May raket kaba mamaya?"
"Hmm. Why?" Siguro magba bar na naman tung babaeng to.
"Why agad? Pwede bang yes or no ang sagot?"
"Well, depende lang naman sa sasabihin mo. So why nga?" Tuso din tung babaeng to.
"To naman, Pero kasi nga Eve, Diba you know Chris yung Crush ko? Uuwi daw galing US. Kaya naman bar tayo maya ha?"
"NO. Pagod ako, okay? And wala akong pera! Hello? Runaway 101 ang peg ko. Duh?"
" ikaw naman kasi eh. Pero no worries I got you covered and all! Basta ready kana dyan. Kaya bye! Love you cousin!"
" hey wait... cole? Hello?" Ay walang hiya. Binabaan ako ng phone. Geez, thats my cousin for you! A brat who get what she wants! I have to be ready then.
Well, its been a year nung naglayas ako from my family. Namuhay mag isa at tahimik. Layo sa karamyaan ng buhay na nanarasan ko noon. I'm just normal person right now. If my Mom could see me here siguro magwawala yun. Hays. I kinda misses them. My Mom and kuyas. They totally treated me like a Princess but dad is always been a total stranger to me. Kaya nga naglayas ako kasi balak akong ipakasundo. Jusko naman! wala naman tayo sa unang panahon. Kaya naman Runaway ang peg ko sa araw ng kasal.
One year na nga ang nakalipas pero parang kahapon lang ang lahat. Ang isang Evangeline Remus the Princess noon, ay isang hamak na dukha nalang ngayon. Haha
Kaya Laban lang tayo mga beshies! Wooh!