Si Nami ay lumaki sa kanyang tiyahin dahil pinaalagaan siya ng kanyang ina para makapag abroad at para na rin sa kanyang kinabukasan.Lumipas ang maraming taon at hindi pa rin niya ito nakakasama o nakikita sa personal. Hanggang telepono o sulat lamang ang tanging koneksyon nila sa isa't isa.
Bagamat lumaki siya ng hindi nakikilala kung sino man ang kanyang ama ay kontento na siya dahil meron naman siyang tiyahin na minamahal siya ng parang tunay na anak. At syempre nandiyan din ang kanyang ina na nagsisikap mag trabaho para sa kanya.
Pero kadalasan ay napapaisip siya kung paano isang araw ay biglang magpakita ang kanyang ama, ano kaya ang mararamdaman niya?
Siya ba ay matutuwa dahil sa pagkakataon na makikita niya rin sa wakas ang kanyang ama at makakasama niya na ito ng lubusan?
O magagalit siya dahil sa hinaba- haba ng panahon na wala ito sa kanyang buhay ay ngayon lamang siya nag pakita?
Paano naman kung kunin siya ng kanyang ina at kinakailangang iwan ang kanyang tiyahin na siyang tumayong pangalawang ina?
Magagawa ba niyang piliin ang kanyang tunay na ina na gustong- gusto niyang makasama?
O ang kanyang pangalawang ina na inalagaan siya ng lubos?
May mga taong gustong tumulong sa kanya ngunit lalo lamang siya naguluhan.
Ano kaya ang kanyang gagawin sa sitwasyong kinatatayuan niya?
BINABASA MO ANG
Paalam
General FictionAnong mararamdaman mo kung ilan taon na ang nakalipas pero hindi mo pa din nakakasama ang iyong mga magulang? Paano kung isang araw kunin ka na lang nila basta- basta? Iiwan mo ba ang mga taong nag alaga sa iyo noong wala sila? O sasama ka dahil gus...