Sa ating paligid iyong mapapansin
Tao, bagay, lugar, hanapbuhay, gawain
Tila OBRA MAESTRA ng Diyos na Butihin
Bawat nilikha Niya, may dahilan, may layunin.
Paraisong masasabi itong kapaligiran
Malilinang, mapauunlad kung pangangalagaan
Lahat ng kailangan, idinulot ng Maykapal
Pagkat mahal tayong tao, sa lahat Niyang nilalang.
Binigyan ka ng talino upang hindi magwasak
Sagana ang kalikasan ngunit iyong winaldas
Nalason ang hangin, lupa, maging dagat
Ito ba ang kasama ng iyong pag-unlad?
Ikaw tao ay pinili sa lahat ng nilalang
Ikaw ay nilikhang mangalaga, mamatnubay
Mag-isip-isip ka, manalangin, magnilay-nilay
Paano mo ililigtas ang Inang Daigdigan?~~WAKAS~~
WAG KALIMUTANG MAG FOLLOW, VOTE, AT COMMENT^_~
SALAMAT NG MARAMI!!^_^
MAGKITA ULI TAYO SA SUSUNOD NA KABANATA!!♥♥
YOU ARE READING
PAGSASAMA NG MGA KWENTONG TAGALOG
Short StoryMga kwentong sa araw ng iyon pag-aaral....♥♥ PAALALA: HINDI KO ITO MGA KWENTO PERO GUSTO KONG IBAHAGI SA INYONG LAHAT....♥♥♥ Meron rin po ditong tula at pag uusap ng mga tauhan...