Ang taong malusog, lubhang masayahin,
matalas ang isip at hindi sakitin,
katawa'y maganda at hindi patpatin,
pagkat alam niya ang wastong pagkain.
Lusog ng katawan nasa kinakain,
ang gulay at prutas,dapat na piliin.
Sa dilis at tulya, sa puso ng saging,
lalakas ang buto, titibay ang ngipin.
Lilinaw ang mata, katawa'y lalaki,
sa sariwang gatas, itlog, at kamote,
malunggay at petsay, sa isda at karne,
ang bata't matanda,lulusog, bubuti.
Sa ating pagkain laging tatandaan,
mga bitamina nitong tinataglay.
Sa sariwang prutas, isda saka gulay,
lulusog, gaganda, hahaba ang buhay.~~WAKAS~~
WAG KALIMUTANG MAGFOLLOW, VOTE, COMMENT!!!^_^
SALAMAT NG MARAMI♥♥
HANGGANG SA SUSUNOD...^_~
YOU ARE READING
PAGSASAMA NG MGA KWENTONG TAGALOG
Short StoryMga kwentong sa araw ng iyon pag-aaral....♥♥ PAALALA: HINDI KO ITO MGA KWENTO PERO GUSTO KONG IBAHAGI SA INYONG LAHAT....♥♥♥ Meron rin po ditong tula at pag uusap ng mga tauhan...