Dear, Mallory
Kinakabahan ako.
Unang araw ng klase, at bago pa lamang ako sa nilipatan naming lugar. Wala ako gaanong kilala--No, walang wala akong kakilala.
Kanina ko pa kagat-kagat ang kuko ko, hindi ko na nga halos napapansin ang bwisit ko dahil sa kaskaserong tricycle driver na ito.
Pwede ba, bagalan niya ng konti? Kinakabahan talaga ako!
Parang hindi ako bagay sa lugar na ito, simple lang naman ito, parang dati lang sa dati naming bahay. Sa dati naming tinitirhan. Mas sanay ako doon.
Hindi tulad dito, ang gaganda at ang gagwapo ng mga tao. Ang babait pa nila, himdi ko alam bakit ngayon wala pa akong kaibigan! Ang dami dami naman naming kapitbahay. Hindi kaya nasaakin ang problema?
Parang itong nagmamaneho ng sinasakyan ko, ang tanda na pero may itsura pa rin. Pota, kung ganito lang talaga mga mukha ng tao saamin dati pipilitin ko talaga sila mama na huwag na umalis! Banas.
"Ma'am, nandito na po kayo," Mas lalo kinabahan nang huminto na ang tricycle na sinasakyan ko. Shit!
Tumingin ako sa salamin at bumuntong hininga, sinuklay ko ang buhok ko gamit ang kamay ko bago bumaba at iniabot kay kuya ang bayad, "Lamat po." Tipid na sagot ko.
Dahan dahan pa akong lumingon sa school, hindi pa ako nakakapasok at medyo malayo pa ako sa gate nakita ko na agad na nakangiti saakin ang guard. Ngumiti naman ako pabalik at nag lakad papunta sa gawi niya.
"Mukhang bago ka dito, ah? Enjoy your first day, ma'am!" Masayang bati nito saakin.
Ngumiti ako, "Thank you po."
Pag pasok ko, parang mas lalo akong nahiya dahil mukha agad ng napakagandang babae ang nakita ko. Shit naman, lalo lang pala akong madadown sa school na 'to. Huhu.
"Hi! You're new here, no?"
Tanong nung babaeng maganda, hindi ko napansin na kanina pa pala ako nakatingin sakaniya! Nakakastarstruck naman kasi! "Hello! Oo eh." Sagot ko sakaniya.
Ngumiti siya saakin, "You look pretty!" Mahinang kinurot nito ang braso ko, nahihiya akong ngumiti dahil sa ginawa niyang 'yon, hindi nalang ako sumagot.
Hindi naman kasi ako maganda.
"What's your name?" Tanong niya ulit, ngayon ko lang napansin na may hawak siyang logbook, siguro ssg officer siya. May bumati sakaniya kasing babae din, tapos parang nilista niya doon.
Sa isip isip ko, may lahi ba siya? Panay siya english, base sa mukha niya, mukha siyang pure Filipina. Ah, ewan. Baka gusto niya lang mag english or sanay talaga siguro siya.
Sana all.
"Mallory." Tipid na sagot ko.
"Here, write your name." Sabi niya. Iniabot niya saakin yung cute na fountain pen niya at agad kon namang sinulat ang pangalan ko.
"Ikaw? Ano name mo?" Wow, lakas loob.
"My name's too long, call me Mj nalang. Lahat naman sila dito 'yon ang tawag saakin." Sabi niya habang nakangiti pa rin. Bakit kaya ayaw niya sabihin saakin full name niya? Sabagay, hindi naman kami close.