KARUPOKAN #1

0 0 0
                                    

Sabi ko dati,love is blind.Yung tipong kahit panget man o mahirap pag Mahal mo Mahal mo.Masakit man o mahirap kakayanin mo kase nga Mahal mo.Manyak man o masama matatanggap mo kase nga Mahal mo.Kulang-kulang man Ang ngipin niya matatanggap mo pa rin siya.Bobo man sa larangan ng matematika okay lang sayo.Di man marunong mag construct ng sentence sige Lang,go Lang.Yun Ang akala ko.Yun ang paniniwala ko dati .Na Ang pag-ibig ay walang pinililing lugar,sitwasyon,pagkakataon.Dahil pag nagmahal ka,nagmamahal ka.Hindi mo kailangan ng opinyon ng iba.

"2019 na,di ka pa rin nakamove on sa lintik na ex mo.Naku day!3 taon na Ang nakalipas"bulyaw ng bestfriend ko.

"Nakamove on na ako ok?Di Lang talaga ako nagpapauto sa love na Yan,biktima ako nyan eh.Isa pa,nag-aaral pa ko.Ayokong masira na naman toh."irap ko rito.

"Matalino ka sa edukasyon,matalino ka sa kahit ano except sa pag-ibig.Ano bang inambag ni Ken sa buhay mo?Para mabaliw ka ng ganyan sa kanya?Like hello day,graduating na tayo umaasa pa rin sa gunggong na Yun??"

"Kase nangako siyang babalik siya at tutuparin niya yun."

Pagkatapos non tumahimik na kami pareho.Nakamove on na ba ako?Nakamove on na ba ako sa lalaking sobrang minahal ko noon?Hindi ko Rin Alam eh.Ang Alam ko umaasa pa Rin ako sa pagbabalik niya.Katulad ng ipinangako niya.

Ako si Zia Abbygael Kansas,isang dahil single.Marupok,oo pagdating sa kanya.Isa akong Journalist student,graduating na this year.Malungkot Ang nakaraan ko sa buhay pag-ibig.Katangahan 2.0 pero kahit ganun Hindi ko pinagsisihan na nakilala ko si Ken,Kennedy Timotheo Ang lalaking ginawa kong mundo pero ginawa lang akong kontinente nito.At kung tatanongin niyo Kung ano ang dahilan ng break up namin,naku Ang babaw ng reason.
"PAGOD NA AKO"yan Ang sinabi niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 29, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

MARUPOK 2.0Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon