Visible Light. The only kind of light in the magnetic spectrum which can be seen through the human eye.
Parang siya lang. Sa dinami dami ng mga estudyanteng nagkalat ngayon sa field, sya lang ang bukod tanging nakikita ng mga mata ko.
"Uy Bailey, may bibilhin ka?" liningon ko sa Dana nang hawakan nya ako sa balikat. It's already 9:35 in the morning kaya naman halos kalahati ng mga batch na kasalukuyang nagrerecess ay nakakalat sa buong grounds. Kahit naman kasi malaki ang cafeteria ng school ay nakakasuffocate padin sa loob non lalo at madaming taong naggigitgitan o kaya naman ay naghaharutan.
"Maya maya na siguro, una ka na" nginitian ko lang siya nang tipid bago bumalik ulit sa panonood sa ginagawa ng buong tropa niya.
"Sus tinitignan mo nanaman sya no"
Hindi ako sumagot sa sinabi ni Dana at naramdaman ko naman na umupo sya sa tabi ko. Imbes na dumiretso para bumili ng pagkain, talagang sinamahan niya pa ko dito. Napanguso na lang ako.
"Hay, eh ano pa bang bago eh araw araw naman ito ang routine mo. Kung di nga lang kita kaibigan malamang sa malamang iniwan na kita"
Lalong humaba ang nguso ko dahil sa tinuran nya. Totoo naman kasi ang mga yon. Walang isang araw ang lilipas na hindi ko sya papanoorin mula sa malayo. Tatanaw kahit na hindi nya alam.
I've been liking Felip Jhon Suson from afar since 8th grade. We're already in the senior years pero hanggang ngayon baliw na baliw pa din ako sa kanya. Ewan ko ba. Alam ko naman na imposibleng magustuhan din nya ko pero kahit na ganon, may mumunting pag asa pa din ako sa loob ko na kahit papaano, mapapansin nya ako. And this girl beside me is a witness to that.
Nung una, di nya talaga alam na gusto ko si Felip pero nung inopen up ko yon sa kanya after a year, basically patapos na ang grade 9, ay halos batukan nya ko sa sobrang gulat. Sino ba namang hindi, eh hindi naman talaga kaexpect expect na ang batong tulad ko ay tatamaan sa isa sa pinakasikat na lalaki sa school.
Pero tulad nga ng sinabi nya noon, di niya din ako masisisi. Felip and his friends are a whole new level of handsome. Di mo lang sila ika-classify as "good-looking" dahil kahit ang "very good-looking" ay di pa din sapat para ilarawan sila. And that's the same reason why a lot of girls in this school are eyeing them.
Kahit nga ata ang mga grade 7 na bagong pasok lang ay kilalang kilala na agad sila. Buti na nga lang nakahiwalay ang college department sa junior at senior high kundi siguradong pati ang mga kolehiyala ay magkakainteres sa kanila.
"Ang gwapo talaga nya no?" wala sa sariling nasambit ko. "Malamang. Ano ba naman yan, Bailey. Umamin ka na lang sa kanya kesa nagkakaganyan ka. Next year graduating na tayo, wala pa ding progress"
Agad akong napailing-iling sa sinabi niya. "Ayoko nga! Alam mo namang kuntento na kong tumingin sa kanya sa malayo. Tsaka isa pa, ayokong maging katulad ng iba dyan na kung makapagfangirl, akala mo walang bukas. Nakakahiya!"
She just shrugged her shoulders. "Bahala ka"
Ilang oras pa kong nanatili don habang pinapanood syang magsayaw. To be honest I'm not into moreno guys. I had crushes before and I realized na halos lahat sila mapuputi at chinito. Pero tulad nga ng sabi nila, there's always an exception in everything. And in my case, that's Felip.
My eyes followed his swift moves as the sun hit his tan skin. Kahit sa malayo, nakikita ko kung gaano na siya kapawis habang sumasayaw pero hindi non nabawasan ang appeal nya. In fact, mas lumakas pa iyon at hindi nakakadiri tignan kahit na basang basa na ang gilid ng gray t-shirt nya.
Hay Felip. Bakit ba kasi ang gwapo gwapo mo?
"Hoy Ails, tara na. Ano, balak mo pa magbabad dyan? Nagbell na oh" siniko ako nang mahina ni Dana kaya naman napilitan na akong tumayo. Our next class will start in five minutes and I have no choice but to return to our room kahit na ayaw ko.
BINABASA MO ANG
Chasing Rainbows
FanfictionLoving him was like chasing rainbows. I am constantly wanting him, even though I know it's impossible that he will love me back.