Cross my Heart and Hope to Die (One Shot Story)

169 2 4
                                    

Ang pangako ay isang di birong salitang binibitawan. Ito ay isinasapuso at ginagawa ng malugod. Kaakibat nito ay ang mahabang pasensya at tyaga.

----------------------------------------------------------------------------------------

"Woh Lampa!"

"Tanga! Umuwi ka na sainyo!"

"Dun ka na sa tatay mong Janitor!"

sigaw ng mga batang lalaki na nakapalibot at tinutulak ang isang malambot at mahinhing lalaki.

Pilit syang umaalis sa bilog pero lagi syang hinaharangan ng mga ito.

Papaiyak na siya..

"Iyakin!"

"Ah Iyakin!"

Inaasar padin sya ng kanyang mga kaiskwela.

Biglang sa malayo, may sumigaw.

"Hoy mga Impakto! Ako harapin nyo!"

nagtinginan ang mga lalaki sa babaeng sumigaw. Naglapitan ito.

"Sino sinasabihan mong impakto?" tanong ng isang malaki at pangit na lalaki.

"Bakit? Tinamaan ka?"

Nagtawanan ang kanyang mga kasama. Namula ang lalaki sa hiya. 

Sasaktan na sana nya ang babae pero may bumato sa likod nya ng maliit na bato. Lumingon sya at tiningnan. Ang batang inaaway nila kanina.

Lumapit ang pangit na lalaki.

"Ikaw! Sumosobra ka na!"

Susuntukin na sana nya ito ng biglang may tumusok sa kanyang pwet.

Kasabay ng pagtusok ay may nagsabing..

"Bonjak!"

Napatawa ang lahat. Pati ang babaeng nang-bonjak ay humagalpak sa tawa.

Lalong mamula ang pangit. Umiyak ito at tumakbo papalayo.

Nilapitan ng babae ang lalaking inaasar kanina.

"Oy Giro, ayos ka lang?"

"Oo. Ayos lang ako. Salamat ah?"

"Wala yun."

"Nahihiya na tuloy ako sayo. Lagi mo nalang ako pinagtatanggol."

"Eh anlambot mo kase. Kung di ka lang cute matagal na kitang pinabugbog." sinabi ni Riza ng pabulong.

"Anong sabi mo?"

"Ah wala wala. Nagtatanggal lang ng tinga."

"Ah. Sige." biglang nabuhayan ng dugo si Giro. "Libre kitang Fishball"

"Talaga? Oh sige! Let's go!"

Higit higit ni Riza si Giro palabas ng school.

Tulad ng pinangako nya, nilibre sya ng 3 pisong Fishball at 2 pisong Kikiam. Sinamahan nadin nya ng 5 pisong palameg.

Tuwang tuwa si Riza. Pumunta sila sa Puno ng mangga sa tapat ng school at dun namahinga. Naglaro sila ng Bato-bato pik hanggang sa lumubog na ang araw. Nag paalam na si Riza at umuwi na sila.

Nang maka-uwi si Giro, umamin sya sa kanyang tatay na nanunuod ng TV sa sala at dumeretso sa Kusina upang maghain.

Nakatira lamang sila sa isang baro-baro. Tagpi tagping kahoy at sako. Wala na ang kanyang nanay. Namatay ito 4 na taong nang nakakalipas nung pinapanganak ang kanyang kaisa isang kapatid.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 16, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Cross my Heart and Hope to Die (One Shot Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon