Kabanata 1

595 71 16
                                    

Kabanta 1

Kapag nag mahal ka hindi puwedeng puro saya lang. Hindi puwedeng madali lang ang lahat. Dahil ang reyalidad ay malayong malayo sa pagiging laging masaya at madali. Napupuno ito nang pinaghalong saya, dali, lungkot, hirap at sakit. Kapag nag mahal ka hindi ka laging buo lang dahil magkakaroon ng pagkakataon na madudurog ka at sa bawat pagkakataong iyon ay mahirap pero ayos lang dahil iyon ng tunay na pagmamahal. Iyong may kasamang kirot tuwing may di pagkakaunawaan. Iyong may kasamang lungkot tuwing hindi nagkakasundo. Iyong may kasamang sakit kasi nasasaktan. Ganoon naman ang tunay na pagmamahal sa reyalidad, may pait.

"Roe kung di mo kayang iwan, bakit mo pa gagawin?"

"Kasi kailangan," nakatulala ko pa din ng sagutin ko ang tanong nya.

"Tss, ngayon pa nga lang na hihiwalayan mo palang ay ganyan ka na paano pa kaya kapag wala na kayo?" iritable nanaman ang kaibigan kong ito. Kung sa bagay lagi naman syang irita sa lahat ng tao at bagay.

"Anong gusto mong maramdaman at gawin ko Wen? Wag na sya hiwalayan? Ganon ba ang gusto mong gawin ko?" inirapan ko pa sya dahil nakasimangot lang sya sa akin.

"Bakit ba kasi hihiwalayan mo pa. Oo tutol nga parents mo pero pano ka naman?" todo irap na rin siya sa akin. Maldita.

"Masakit pero ayos lang kesa sila ang masaktan. Mas kaya kong ako ang madurog ng paulit ulit wag lang sila. Ayos lang na ako nalang ang masaktan maging masaya lang sila," diretsong sabi ko sa kanya.

"Martyr eh?"

Pag papakamartyr ba ang tawag dito? Pero sa tingin ko ay hindi. Maaaring gagawin ko nga ito para sa pamilya ko pero hindi ito pagpapakamartyr. Mahal na mahal ko sila kaya ko gagawin ito. Mahal ko sila kaya handa akong gawin ito para sa kanila.

"Hindi ako nagpapakamartyr Wendel."

"Oo na oo na, tss. Paniguradong nasasaktan na iyong si Rouge dahil sayo."

"Alam ko," alam ko iyon dahil mahal nya ako kaya sigurading nasasaktan ko siya.

"Alam mo pero hinahayaan mo?"

"Hindi lang naman siya ang nasasaktan dito Wen. Nasasaktan din ako. Nasasaktan ako para sa sarili ko at para sa kanya. Nasasaktan ako para sa aming dalawa," naluluha ko nanamang sagot sa kanya.

"Nahihirapan kayo parehas sa sitwasyon nyo. Kawawa naman sya dahil sa inyong dalawa mas makakaya mo kesa sa kanya," masungit pero ramdam ko naman ang pag aalala nya. Ganyan naman talaga sya, masungit at maldita pero ang totoo concern naman talaga sya. Hindi nya lang alam kung paano nya ipapakita ng maayos.

"Hindi naman kasi talaga madali. Hindi ito magiging madali. At gaya nya alam kong sa loob loob kong hindi ko rin ito kakayanin. Mahal na mahal ko sya sobra kaya kahit na hindi ko naman talaga kaya ay kakayanin kong pilit kahit na wala na sya sakin."

"Alam kong tama na sundin mo ang parents mo pero paano ka? Hindi ka naman masaya."

"Ayos lang maging malungkot, ayos lang na nasasaktan ako basta para sa kanila."

"Tss, bahala kaa nga sa buhay mo. Ang tigas ng ulo mo."

Umalis na din sya dito sa bahay matapos naming magusap. Ang isang yun, akala mo kung sinong mag taray sa akin samantalang nung una naming pagkikita ay wala naman syang pakealam. 2 weeks palang kaming magkakilala pero halos araw araw na kaming nagkikita. Matapos nung gabing nagkasabay kaming pauwi at hinatid nya ako ay agad kong hinanap ang bahay nila kinabukasan, mabuti na lang at katapat bahay lang naman namin ang bahay nila.

She's Wendel Jade Agustin iyong nakasabay ko sa bus pauwi na nagkataong kinausap ko. Close na kami ngayon pero masungit padin sya.

I sighed. I wanted so bad to call him. I want to hear his voice para matigil ako sa kakaisip sa mga dapat kong gawin. Gusto kong makausap sya para kumalma ako dahil kung hindi ako kakalma ngayon ay paniguradong iiyak nanaman ako maghapon. Gusting gusto ko pero ayaw kong marinig o makita nya na nanghihina ako dahil baka bawiin nya ang pag payag sa desisyon ko. Baka hindi namin mapanindigan ang desisyong napag kasunduan namin.

Dahil sa mga nangyayare naiisip ko na kapag naipit ka sa sitwasyon tulad nito wala kang ibang pwedeng gawin kundi ang umiyak, dahil kahit gaano pa kaayos ang relasyon naming dalawa ay kailangan naming huminto. Pakiramdam ko din tuloy napakasama kong tao para mapunta sa ganitong klase ng sitwasyon. Alam kong maaaring mababaw na dahilan ito para sa iba pero sa akin, hindi lang ito basta basta. Hindi ito mababaw na dahilan dahil kailangan kong piliin ang tingin nilang tama. Kailangan kong gawin ang mga bagay na alam kong makakasakit sa akin pero makakapag pasaya sa pamilya ko.

Hindi ko alam kung alin ba ang mas masaklap, iyong hindi mahalin pabalik ng taong mahal ko o yung mahalin din ng taong mahal ko pero hindi naman matanggap ng pamilya ko.Nakakapagod pala mag isip. Nakakapagod umiyak at masaktan. Wala akong ibang maramdaman kundi pagod. Pagod na pagod ako sa sitwasyon dahil sa akin ito nag mula. Ako ang may kagagawan at may dulot nito kaya pagod na pagod ako.

Itong linggong to napakabagal ng oras at napakatahimik ng paligid tila nakikiramdam sa kalagayan ko. O baka nababaliw na ako kaya ganito. Sa kalagitnaan ng pag iisip ko sa sitwasyon ay pumasok ang kapatid ko sa aking kwarto. Ito ang unang beses nya akong pansin matapos nila sa akin sabihing hiwalayan ko si Rouge.

"Roe"

Tumitig lamang ako sa kanya. Hindi ako galit pero nasasaktan ako at pakiramdam ko hindi ko pa kayang makipag usap sa kanila. Kahit na naiintindihan ko sila mahirap padin gawin iyong mga pinapagawa nila.

"Tigilan mo na ang pagmumukmok. Hindi ka dapat nagiging ganyan dahil lang sa ganon kaliit ka pinapagawa sayo. Nakikipag matigasan ka pa talaga sa pamilya natin?"

Lalo lamang bumigat ang aking pakiramdam. Hindi ako nakikipag matigasan sa kanila, wala sa intensyon ko iyon pero nasasaktan ako at hindi ko pa sila kayang harapin sa paraan na gusto nila. Paraang parang walang nangyari at ayos lang ako.

Letting You GoWhere stories live. Discover now