Chapter 3

3 1 0
                                    

* Sorry if my mga wrong grammar or wrong spelling this is unedited Thank you!

"Erin Phoebe hurry up! sasabay ka ba?" Sigaw ni kuya sa labas ng pintuan ko.

"Oo kuya wait lang nagbibihis lang ako!" sigaw ko habang nag bibihis at habang nagsusuklay ay binuksan ko ang blinds ng kwarto ko natigilan ako ng makitang bukas ang blinds ng dating kwarto ni cullen.

Apat na taon na nanatiling sarado ang bintanang iyon.

"Erin Phoebe ano ba!" sigaw pa ni kuya isang beses pa with matching malakas na katok sa pintuan ng kwarto ko.

"Oo nandyan na!" kinuha ko na ang bag ko at umalis na.

nakita ko si kuya na nakabihis na para pumasok at masama ang tingin sakin habang naghihintay lumbas ako.

Habang nakasakay na sasakyan ni kuya nilingon ko ang bahay nila cullen nagulat ako ng bukas na ang gate niyon.

"May lilipat na daw dyan kaya umuwi sila tita colly para asikasuhin ang buyer ng bahay nila." biglang sabi ni kuya na biglang kinalungkot ko matagal ng bahay nila cullen iyon pero ibebenta lang pala ito sigurong malulungkot din si cullen pag nalaman ito.

ilan sandali pa nasa harap na kami ng school.

"Thank you kuya ingat ka" sabi ko kay kuya pagbaba ko.

Nagtaka ako kung bakit madaming tao sa quadrangle ng school. Hindi naman monday ngayon para sa flag ceromony. 

"My god Stephen! papicture naman!" tilian ng mga estudyanteng babae.

Stephen? Stephen? diba iyon yung muntik ng makabungo sakin?

Tumingkayad ako para matanaw iyon bakit nandito sya? nakita kong nilalad lad ang bagong tarpulin ng school na may mukha nito na sya ang model pero wala na roon si Stephen.

Hindi ko na kailangan makigulo pa nag iba na lang ako ng daan para hindi na ako makipagsiksikan sa quadrangle.

Habang naglalakad inabutan na ako ng call of nature pumasok muna ako ng CR pero pagpasok ko naramdaman ko na may marahas na humila sakin at tinakpan ang bibig ko sinandal ako pader.

Nanlaki ang mata ko ng malaman ko kung sino ito

Si stephen!

Napatitig ako sa mga mata nito.

"Shhh. wag ka maingay!" pabulong na saway nya marahan akomg tumango.

dahan dahan nyang inalis ang kamay nya sa bibig ko.

anong ginagawa nya dito sa mga CR ng babae.

"Bakit nandito ka? CR ng babae to ah" Hindi ko mapigilan na sabihin rito kahit pabulong.

"Sorry hindi ko na nabasa eh baka pwede tulungan mo ako makalabas dito napahiwalay kasi ako sa mga body guards ko tumakas ako" pakiusap nya.

Paano ko sya ilalabas? Diyos ko malelate na ako sa klase ko!

"Ha? paano?"

"Meron ka ba extrang damit dyan na pwede hiramin?"

napaisip ako. may dala yata akong pag PE mamaya pero mukhang di kasya saknya.

"Meron pero di kas-"

"Kasya yan akin na pahiram ako" dahil sa taranta ko nilabas ko kagad yung damit sa bag ko.

Nang matapos itong magbihis halos matawa na ako sa itsura nya mukha syang bakla sa kanto na naghahanap ng lalaki

"Seryoso ka?--"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 26, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Boyfriend Became a Kpop StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon