Maybe.... Maybe this time

48 1 0
                                    

Isang kababata pagkakakilala sa'yo,

Di inakalang ako'y mapapaibig mo.

Kahit pagtataray ang laging bungad sa'yo,

Di parin alam kung bakit ako'y nagustuhan mo.

Sa twing ika'y naggigitara, feeling ko'y hinaharana

Kinikilig pag tinutugtog mga paborito kong kanta.

Pati na sa pagbitaw ng bawat pick-up lines mo,

Kahit corny pa man yan basta galing sa'yo Gets ko!

Dumating isang araw ako ay nagulat,

Lumapit ka sa akin at ikaw ay nagtapat.

'Di pa man ito ang sinasabi nilang right time,

Sabi mo'y maghihintay ka, ang sarap pakinggan parang "Maybe this time"

Hindi pa man maayos ang buong sitwasyon,

Magiging okay din 'to pagdating ng panahon.

Kung sabi ni Shakespeare "Roses are red, violets are blue",

Ang sabi ko naman "Kababata I love you."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 09, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Maybe.... Maybe this timeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon