2

277 11 1
                                    

"Babye baby!.. muahh!" habang hawak ang tiyan ko. Tumaas siya upang magtapat ang mukha namin.
"pasok muna ako mahal ah, magiingat ka baka makauwi ako ng maaga mamaya!.. muahh!" niyakap niya ako bago umalis.
~~~~~~~~~~~~~~~
Naisipan kong magpalamig na muna sa labas kaya naman nagbihis na ako dahil naboboring na naman ako. Ahh, wala nga palang gatas bibili na rn ako.
~~~~~~~~~~~
Paglabas ko ng grocery store may sasakyan na huminto sa medyo malayo.
"Parang pamilyar ang sasakyang iyon ahh." kapareho lang siguro, hayy. Pero bago ko inalis ang tingin ko sa sasakyan ahy inabangan ko muna ang paglabas ng nakasakay rito.

Huh, anung ginagawa niya rito. mapuntahan nga. Kita kong may lumabas na babae mula sa passenger's seat, papasok sila sa isang gusali kaya binilisan ko kaunti. Pero kita kong hinarang nung babae ang asawa ko at itinulak palikod sa sasakyan tsaka hinagkan. Nanigas ako sa nakita ko, hindi ko na maigalaw ang katawan ko. Nakita kong nilingon ako nung babae at tsaka sumunod na lumingon ang asawa ko. Mahal ko? mahal ko pa ba siya? mahal niya ba talaga ako? mamahalin ko pa kaya siya matapos ang nangyaring ito?

Tumakbo na ako paalis nang lalapit na sana siya, kaso di ko alam bat biglang nandilim ang paningin ko hanggang sa hindi ko na alam ang sunod na nangyari.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Nagising ako sa isang kwarto. Puro puti. Asan ba ako? Humawak ako sa tiyan ko at—. Natigilan ako nang wala akong mahawakang umbok doon. Nagumpisang mangilid ang mga luha sa mga mata ko. Lininga linga ko pa ang paligid bago ko marealize na nasa ospital ako at— kasama ang.. asawa ko?

Bumuhos ang maraming luha sa mga mata ko nang maalala ang nakita ko sa harap ng gusali malapit sa grocery store. Bumaba ako ng kama ko at nagising siya dahil sa pag galaw ng foam roon. "Mahal?" usal niya habang lumalapit sakin at palayo ng palayo naman ako sa kanya habang umiiyak. Kita kong may namuong mga luha sa mga mata niya "Bat ka ganyan? nakakatakot ba ako? HAHAHAHAH!" kunyaring tawa niya upang mapagaan ang atmospera. "Oo!" sagot ko. Kita ko ang pag babago ng expression sa mukha niya.
"Mah—"
"Wala na ang anak ko! Kasalanan mo to! Sinira mo ang pamilyang to!"
"Mahal?"
"HAAHAHAHAH! Mahal? Mahal?? HAHAHAHAH! Mahal mo ba talaga ako ,ha?"
"Siyempre naman mahal, please stop this!"
"HAHAHAHAH! oo nga naman. siyempre diba.. makikipaghalikan ka ba sa ibang babae kung mahal mo ko? HAHAHAH! diba?"
"It's not like that!"
"Oh ngayon? ikaw pa magagalit? Ha! wag ka nang magkaila. Huling huli ko na kayo. Kung hindi dahil sa inyo sana buhay pa anak ko!!"
"Anak ko rin siya!"
"Hindi na— dahil matapos niyang ginawa mo..hinding hindi na kita ituturing na ama ng anak ko!"
"Mahal, I can explain. Hindi ganon yon."
"Hindi na kailangan, tapos na tayo!"
"Mahal naman e! Wag ka naman magbiro ng ganyan o!"
"Sa tingin mo nagbibiro ako? Sana nga biro nalang lahat ng ito e. Totoo to , sinira mo ang pamilya ko, wala na ang anak ko nang dahil sayo, tapos na rin tayo!"
Nangilid ang kanyang mga luha at ilang saglit pa ay tumulo na ang mga ito. Tumalikod siya at diretso nang lumabas ng pinto. Pagkalabas niya ay napaupo ako at duon na umiyak nang umiyak.

Nagising ako ay nasa kama na ako. Nakatulog pala ako, pero ang akala ko ay nasa may sahig lamang ako. Bumangon ako sa kama ko at naupo don nang may biglang pumasok. "Oh, gising kana pala." ang doktor, ngumiti lang ako rito. "Maya maya ay pwede ka na makalabas. Bayad ang bills mo ang kailangan mo nalang ay ang magpahinga." sabi niya. "Salamat dok!" nagtanguan lang kami at lumabas na siya. Tumingin ako sa bintana at pagabi na pala. Kinuha ko ang petaka ko at nakita kong andun ang cellphone niya—ng asawa ko. Kinuha ko iyon at naisipang ibabalik nalang sa kanya. Pagbaba ko sa first floor ay may nagkakagulo sa may entrance. Ah, emergency? Agad nila itinakbo ang pasyente sa emergency room at bago maipasok ang pasyente ay nasulyapan ko ang pasyente, di ko man nakita ang kabuuan ng mukha niya ay nakita ko ang relo sa kamay nito. Sa kanya yon, di ako pwedeng magkamali. Lumapit ako sa emergency room pero may lumabas na nurse "related po ba kayo sa pasyente? doon po muna kayo habang naghihintay po" sumilip muna ako sa parihabang maliit na bintana sa pinto. At doon ko nakita ang mukha niya. Nagpunta ako sa upuan na sinasabi ng nurse kanina at agad na umupo, sobrang nanghina ang katawan ko. Tumulo na ang mga luha ko. Wala na ang anak ko, wag naman pati siya. Patuloy na tumutulo ang mga luha ko. Hanggang sa lumabas ang doktor at sinabing hindi daw nakasurvive ang asawa ko—ang mahal ko.

Matapos ang libing ng asawa ko. Unuwi muna ako sa bahay namin sa probinsya naroon ang mga magulang ko. Nasa kwarto na ako upang magligpit ng mga gamit nang makita ko ang cellpone ng asawa ko. "Narito pa pala ito." mahinang usal ko. Binuksan ko iyon at video gallery ang bumungad sa akin. "Ano to? Video niya?"Tiningnan ko ang date at parehong date yun nung dinala siya sa ospital—nung namatay siya. Nakaramdam ako ng matinding lungkot nang maalala yong araw na yon. Yung araw na nawala sila sakin pareho ng anak namin. Pl-in-ay ko yung video—

"Mahal, pasensya kana ha! Hindi ako naging mabuting asawa. " Nakayuko siya, sa loob siya ng kotse niya nagrecord. Inangat niya ang tingin niya at saka sumandal. Ngumiti siya nang bahagya pero tulala lang siya sa harapan niya. "You see, may kikitain lang sana kaming kliyente sa loob ng building na yon. Habang nasa biyahe kami ay pansin kong nilalandi niya ako— ng secretary kong bago." agad na parang nagflashback ang nangyari sa aking isipan. "Nagalit ako sa kanya pero nagmatigas siya. Binantaan ko na siyang aalisin sa trabaho niya, pero —she just won't stop!" kita ko ang galit sa mukha niya. "Yung nakita mo— kung may nakita ka man, di ko yon nagustohan at hinding hindi ko yon magugustuhan. Itinulak ko din siya agad. Nakita kita nakatingin sa amin, pero pagtalikod mo di mo na napansin yung paparating na sasakyan. Tumakbo ako agad para sundan ka pero nahuli ako. Hindi mo alam kung gano ako nalungkot, lalo na nang makita ko ang dugo sa pagitan ng mga hita mo. Hindi mo alam kung gaano ako nasaktan." umiiyak na siya at kahit ako ay naiiyak na. "Wala ako ibang pinangarap kundi ang magkaroon ng masayang pamilya kasama ka. Mahal na mahal kita at kahit kailan hindi ko naisipang lokohin ka." ngumiti siya habang tumutulo pa rin ang luha. "Sorry, hindi ko nailigtas ang baby natin. Inexpect kong magagalit ka pero hindi ko inasahang aabot sa ganito, na makikipaghiwalay ka sakin. Kasi para sakin , kaya naman natin lagpasan tong pinagdaraanan nating to e—nang magkasama. We can make another baby, as many as you want." nakangiti siya. "11:11!"sambit niya nang makita niya ang oras. "I wish, lahat nang to bangungot nalang. Bumalik kana sakin, please?" nagmamakaawang sambit niya. "Iniisip ko palang na bukas pag gising ko wala nang tayo, sobrang sakit na ang nararamdaman ko—dito!" duro niya sa dibdib niya. "Unti-unti akong pinahihirapan ng sakit na yon. Sana ako nalang yung nawala, kung ganito rin naman ang mangyayari. Wala na akong dahilan para mabuhay—ikaw..ang anak natin—wala na!" lalo lumala ang iyak niya kasabay nun ang tuloy tuloy na pagtulo ng madaming luha sa mga mata ko at ang sobra sobrang paninikip ng dibdib ko. "Kasalanan ko lahat nang 'to! —babalik ako, pero sana tanggapin mo ako!" ngumiti siya, bumaba sa kotse at ang sumunod na nangyari ay nasa tapat na siya ng kwarto ko. Binuksan niya ang pinto habang nakatutok pa rin sa kanya ang camera. Nanlaki ang mga mata niya dahil siguro sa nadatnan niya na wala ako sa kama pumasok siya nang mabilis at nahanap niya naman ako kaagad. Itinapat niya sa akin ang camera, tulog na tulog ako marahil ay dahil sa pagod. Ipinatong niya ang cellphone niya sa cabinet sa tabi ng kama at tsaka ako pinuntahan at binuhat papunta sa kama ko. Kaya pala nung nagising ako nasa kama na ako.  Ngumiti siya habang nakatitig sa akin "I love you!" usal niya, kinuha niya ang kamay ko at inilapat sa labi niya. "I'm so sorry—for everything! Mamaya nalang tayo mag-usap sa ngayon magpahinga ka muna. Sana mapatawad mo na ako, kasalanan ko lahat nang ito at lahat yon pinagsisisihan ko na. Sana mapatawad mo na ako, iloveyou! Babalik ako. Magpapahangin lang ako, ha!" binitiwan niya ang kamay ko ang hinaplos haplos ang buhok ko tsaka hinawakan ang pisngi ko. "Wait for me! okay?" nakangiti siyang nakatitig saakin at hinawakan ang likod ng ulo ko tsaka hinalikan ako sa noo. "I'll be back, iloveyou!" at tumayo na siya tska pinatay ang recording.

Napahagulgol na ako sa aking pwesto. "Bumalik ka nga, pero hindi ganon ang inaasahan ko. Sana naman inalagaan mo sarili mo, sana man lang nag ingat ka! Oo! bumalik ka , pero bumalik ka nang walang malay at duguan! Wala na ang anak natin, ngayon wala ka narin! Sorry dahil pinairal ko ang galit ko at hindi muna kita hinayaang makapagpaliwanag. I'm sorry!"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 25, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Sad tagalog one shotsWhere stories live. Discover now