Nakakatuwa mga comments nyo guys at sa mga silent reader thanks padin ^^ hehe atleast somewhere out there may nagbabasa nga nito xD
Anyways here you go!
And listen to this wonderful song (again).
~~~~Mitchie
*o*
Ang laki ng bahay ni Kuya Ryder! Ito ba yung tinatawag na mansyon? Doble pa to sa bahay ni Tita, tsaka idagdag mo pa yung malaking bakuran tsaka yung mga puno at flowers. *o*
"Mitchie, okay ka lang?" sabi ni Kuya Axel.
"Kuya Axel, bat ang laki ng bahay ni Kuya?"
"Malaki?" tanong ni Kuya Axel sabay tingin sa bahay ni Kuya Ryder.
"Di ka ba nalalakihan , Kuya Axel?" tanong ko.
"Hmm.. ewan hehehehe," sabi niya at napakamot nalang sa ulo.
"Don't tell me, mansion din bahay mo?!"
"Huh? Hindi naman, parang kay Francis lang, hahaha," tawa niya. *facepalm*
Welcome to the world of riches. Bat ang yaman nila? Kumusta naman bahay namin? Ah basta! Sabi ni Tita kahit maliit lang ang bahay mo basta malinis, maganda paring tignan. Dumeretso nalang kami ni Kuya Axel sa front door. Wahh *o* ang ganda ng design ng door, may mga nakaukit na flowers. Nagdoorbell si Kuya Axel at may bumukas.
Ang tangkad niya.
"Uy Axel, napadaan ka? Sino kasama mo? Girlfriend mo?" sabi nung matangkad na lalake. Wag kang magblush Mitchie, wag na wag, wag na wag. ><
"G-grabe naman kayo Kuya, uhmm.." sabi ni Kuya Axel. "S-siya si Mitchie."
Bakit kaya nauutal si Kuya Axel? Nagulat naman yung lalakeng matangkad.
"Mitchie?" sabi nung lalake at napatingin sakin. "Yung cr-"
"WOAHH!!!" sabi ni Kuya Axel kay Kuyang Matangkad. "Hehe, kaschoolmate ko at friend ko siya."
"Ahh =v=" sabi nung lalake at nag-evil smile. "Ako nga pala si Fynn Race Roquiza."
"*o* Kapatid niyo po ba si Kuya Ryder?" tanong ko. Roquiza siya eh.
"Ryder? Ah si Francis Ryder? Haha oo, so kilala mo pala siya, nandun sila sa Music Room kasama yung isang short haired na girl," sabi ni Kuya Fynn.
"Kapatid ko po yun," sabi ko.
"Ah kaya pala kamukha mo eh haha,"
"Ah ganun po ba Kuya? Hehe"
"Haha, oo, kamukha niyo nga rin yung kaibigan kong si Will, haha, anyways i-escort mo na yung muse mo, Axel sa Music Room, binata ka na, ahahahahha" sabi ni Kuya Fynn. "May iluluto lang ako, hehe dadating girlfriend ko eh hehe."
"Sige po," sabi namin at napatingin ako kay Kuya Axel. Hala! Namumula siya! Bakit kaya. Wah ang cool niyang mamula. Parang anime.
"Kuya Axel, okay ka lang?" sabi ko.
"O-oo bakit?" sabi niya at naglakad na. "Tara na."
"Kuya, sino si Will? Nacurious ako," sabi ko.
"Di ko rin kilala eh, tara na, siguradong magugustuhan mo Music Room nila Francis," sabi ni Kuya Axel at ngumiti sakin. Wih, ang cool, napangiti rin tuloy ako. Dumeretso kami sa Music Room. Ang ganda talaga ng bahay ni Kuya Ryder.
“Kuya ito ba yung klase ng Music Room na hindi naririnig yung tugtog hanggat di ka pumapasok?” sabi ko.
“Hmm, hindi, di ka rin naman mapapangitan sa mga tugtog ng family ni Francis, they are all musicians, kaya maski rock, pop, o kahit na anong genre, magugustuhan mo, kaya no need for soundproof walls, tsaka di rin naman naririnig ng mga kapitbahay, hehe” sabi ni Kuya Axel. Napabilib ako dun ah.
BINABASA MO ANG
Her Boyish Acts
DiversosTomboy? Define that please. Well for me, they are girls acting like boys. Boyish kumbaga. Though, I want to change, I want to be a GIRL. I need help! Actually there is one guy, who is helping me. But is it possible that HE can change my boyish acts...
