LRT (one shot)
“Ingat, miss!” sabay haltak ko sa babaeng muntik nang maipit sa papasarang pintuan na iyon ng LRT. Siksikan pa mandin dahil pasado ala-siyete na. Rush hour.
Shet. My kisses girl.
Nah. Awkward. But feels like heaven.
“Fill the voice with the emotion I’m feeling for you. And now when the beat is so strong, I’ll give my heart in a song.”
Yeah, it’s me singing. The lead singer of the famous boyband in our campus. Ito ang mundo ko. Ang kumanta. Tae lang kasi, ayaw akong pansinin ni babaeng-amoy-kisses. Yep, I’m head over heels in love with my schoolmate.
Binansagan ko siyang amoy-kisses kasi kaamoy niya yung kisses, I swear. Yung nanganganak daw sabi ng kapatid ko. Whew. Napadaan lang naman siya sa harap ko that time then the next thing I knew I started watching her from afar.
She’s all that I want. I don’t really know why. Hell, it’s crazy! Sinubukan ko na ngang magparamdaman sa kanya but everytime I turned to make a glimpse at her she turned away. Like she doesn’t like me.
Mayabang na kung mayabang pero alam kong gwapo ako. Hindi ko nga maintindihan kung bakit no pansin pa rin ako kay George.
No, she is a she, of course. Full name niya is Georgina. Georgina Marie Altre.
Whoa. Syempre nag-conduct ako ng research.
Facts about her:
She loves Nicholas Sparks book.
She writes all the time. Ewan kung anong sinusulat niya.
She always wears her hair in a tight bun.
She is smart.
Her birthday is on May 15.
At amoy-kisses talaga siya.
Naging malikot ang ilaw ng spotlight kasi plinano ko magtapat ngayon with the help of my bandmates kay George. I could see her in the sea of screaming fans. Nah! Bakit kailangang siya lang ang makita ng mga mata ko. And my heart beats loud as the bass!
“Georgina Marie Altre.”
“H-hi?”
“Please bear with our position for awhile.”
Hapit na hapit ko siya sa bewang para maprotektahan sa mga taong naggigitgitan na sa LRT. This is my first time to be near with her. Nakasadlak na kaming dalawa dun sa pintuan. Yung labi ko, andun na sa may bandang taas lang ng ilong niya, sa pagitan ba ng dalawang mata niya.
While her both hands resting on my chest. Pakshet. Baka marinig niya yung kabog ng dibdib ko. Anlakas pa naman. But I feel her trembling. Good sign.
Hindi naman kami personal na magkakilala so no conversation at all. Oh, Jesus, how could I tell this girl I love her? Give me strength.
Halos tatlong station din kami sa ganoong posisyon. Wala talagang kumikibo. I want to grab the chance and talk to her.
“Kamusta.” Nice try, ‘dre. Patanong dapat.
Tumingala siya. “O-okay lang.” Ang tipid niya pa sumagot.
Iyon tuloy nauwi sa titigan ang kakarampot na pag-uusap. Tsk. W-wait…. Is that….No.
“I don’t believe in love, actually not until this girl that smelled like kisses came around. My world turns upside down. There’s nothing extraordinary about her yet I felt this extraordinary feeling towards her. She drove me crazy. Umiiwas siya nang tingin kapag titignan ko na siya. Maybe she thinks I’m no good for her. I want her to be mine. Girl, just say yes and I’ll court you forever as long as you want. But one thing is for sure, yung LRT experience ko with her was the best moment na naganap sa tanang buhay ko. Because I saw something in her eyes na nagbigay ng pag-asa sakin.”
“Sino ba siya!”
“Gilitan na natin ng leeg ‘yang babaeng yan!”
“Napakatanga niya para di ka niya mapansin!”
“Whoa, girls. Asan na nga ba siya?” Yes. Magaling na spotlight natagpuan din ang iniirog ko. Yuck. Kumikinang ang mata nito hindi sa tuwa kundi sa luha. Nakatakip ang dalawang kamay niya sa bibig. Binababa ko siya galing stage. Right on cue, everyone gave me a way.
“Bakit?” tanong ko kay George, my sweet-kisses girl.
“Iniiwasan kong tumingin sa’yo dahil sino ba naman ako para pansinin ng tulad mo. Hindi mo lang alam kung paano kumakabog ang dibdib ko kapag alam kong nasa malapit ka lang lalung-lalo na yung sa LRT pero nagkakamali ka sa sinasabi mo na hindi kita napapansin….
because the feeling is mutual, Kurt Rui Hamilton. Matagal na.”
Vote if you like. Haha. Di ko napigilang mag-short story. Dedicated sa tropang LRT na mga classmates kong 2d. Pero hindi ako sumasakay ng LRT. haha. Kaantok, it’s 1:33 am. Simba pa tomorrow. Godbless everyone!
