A Bestfriends Story (PART 1)
(A SHORT STORY)
Isinulat ni: Mervin Canta
……………………………..
“paano kung hawak mo ang kamay ng bestfriends mo sa kanan,
Tapos hawak mo naman sa kaliwa ang kamay ng taong mahal mo,
Tapos bigla kang napuwing!
Kaninong kamay ang bibitawan mo?
Sa kanan na syang hawak ng bestfriend mo?
O sa kaliwa na syang hawak ng taong mahal mo?”
-a chaintextmessage from a friend
………………………………
Kwento ni allyson isang simpleng babae
Isang mahinhin, pero magaling sa eskwela
Isang tahimik pero magaling kumanta
Counter part naman nya ang bestfriend nyang si Diana
Madaldal, maingay, makulit pero medyo magaling din sa eskwela tamad nga lang kung minsan.
Lahat ng sikreto nagsasabihan sila
Kung kelan dadatnan ang isa
Kung kelan namatay ang kuko ng isa
Kung trending sa twitter
At kung sino ang crush ng bawat isa
Patay na patay si Diana kay Kiko
Francis James Adriano
Kumpletong pangalan nito
Alam ni Allyson
Na baliw na baliw ang bestfriend nyang si Diana kay kiko
Hindi nya maintindihan kung bakit baliw na baliw etong kaibigan nya sa lalakeng
Ang gusto ay music na syang nakakairita sa tenga!
Na walang ginawa kundi sirain ang eardrum ng bawat isa.
“best I think I love him na talaga!”
Sabi ni Diana kay Allyson
“baliw ka talaga…with that guy? Duh!”
Sabi ni Diana na para bang di talaga gusto ang ugali ni francis
“bakit ba ayaw mo sa kanya?”
Tanong ni Diana kay Allyson
“maraming bagay na syang ayaw na ayaw ko sa kanya”
“una ang pananamit nya…para syang di naliligo! Rockers! Yuck!”
“pangalawa…yung type ng music nya so annoying, ang sakit sa tenga”
“pangatlo…mayabang sya! Sa tingin nya lahat ng babae pwede nyang makuha sa isang ngiti nya lang!”
Sabi ni Allyson kay Diana
“yun na nga best eh!...remember? noong first day of school…he smiled at me…and I never forget that sweet smile that he gave to me!”
BINABASA MO ANG
A BESTFRIEND STORY (complete)
Teen Fiction“paano kung hawak mo ang kamay ng bestfriends mo sa kanan, Tapos hawak mo naman sa kaliwa ang kamay ng taong mahal mo, Tapos bigla kang napuwing! Kaninong kamay ang bibitawan mo? Sa kanan na syang hawak ng bestfriend mo? O sa kaliwa na syang hawak...