Rainbow Café

1.1K 47 9
                                    

“Happiness is when what you think, what you say, and what you do are in harmony.” – Mahatma Gandhi

--

 

Mahiyain.

Mediocre.

Plain.

Unexceptional.

Monotonous.

Bookworm.

 

My life may be boring but there’s something and someone from the past that I want to remember over and over again.

Upon entering the place, one of the crew guided me doon sa nakareserved na table. It says: Reserved for Ms. Summer Buenavista.

Every Saturday, dito ako tumatambay sa Rainbow Café. I need some quiet time to unwind, to relax. Kilala na nga ako halos lahat ng mga staff and crew dito. Mga three months pa lang ‘to simula nang nag-open. I just love this place. Katapat lang kasi ito ng high school building namin noon - ang lugar na kung saan ay nakilala ko ang inspirasyon at happiness ko sa buhay.

Noong nasa high school, average student lang talaga ako. Hindi super talino, hindi rin super bobo.

Hindi rin ako super kagandahan, hindi rin super panget. Yung okay lang, walang kaartehan sa mukha o katawan. Malabo ang mga mata kaya nakasalamin ako palagi.

Napaka-boring ko ding kasama. ‘Yan ang comment ng mga kaklase ko sa’kin. Ako kasi yung tipong hindi nag-i-initiate ng conversation. Wala kasi akong ka-PR-PR. Kakausapin lang kita kung kakausapin mo ako.

Pero napaka-observant ko naman daw.‘Yung maraming na-no-notice sa mga bagay-bagay sa paligid. Kaya minsan, ang mga kaklase ko sa’kin pumupunta kung meron silang isasangguni tungkol sa mga reaction papers, essay at iba pang mga sulatin.

Kapag break time, palagi akong nakikita sa isang sulok, nag-iisa, nagmamasid. Ang tanging kasangga ko lang ay ang journal ko, ballpen at iilang libro. Hindi pwedeng hindi ko ito dala-dala. Minsan kasi may mga ideas na basta-basta na lang lumalabas at kailangan kong isulat yun. ‘Yun ang parang naging outlet ko. Mas gusto ko pa nga kasama ang mga libro at papel kesa sa tao.

Wala talagang kakulay-kulay ang buhay ko noong high school. Until one day, this particular guy named Redson approached me. Nakaupo ako nun sa bench sa tapat ng room namin.

“Summ, diba mahilig kang magsulat? Bigay ko na lang sa’yo ‘to.” and there he was... smiling while he handed me a hard-bound purple notebook.

“Uy... talaga? Hindi ko ‘to tatanggihan.”

“Alam ko namang weakness mo ‘yan eh. Tanggapin mo na kasi.”

“Oh... Thanks!” I said. “Paano mo naman nalamang mahilig akong magsulat?”

“Wala lang. Napapansin kasi kita palagi.”

“Huh?”

“A... Ang ibig kong sabihin, madalas kasi kitang nakikitang nag-iisa... nagsusulat. So I assumed na mahilig ka doon.” pagpapaliwanag niya. “At tsaka, ang gaganda ng mga articles mo doon sa school paper. Keep it up!”

“Ah okay. Hehe... Nababasa mo pala yun? Thanks ulit ha?”

“Sure. Sige, mauna na ako. Bye.” And he quickly disappeared.

Our RendezvousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon