Prologue ni Manong

33 0 0
                                    

Prologue

Johnny B. (Bravo ang tunay nyang apelyido pero ang pang-asar sa kanya ng kapitbahay niya ay Johnny B. for Bantot)

Sya si Manong Johnny, yung nangungulangot kanina sa may sugalan dito sa amin habang naglalaro ng lote.

Kilala nyo ba sya? Ha?! Hindi nyo sya kilala?! Ok. Ang oa ko lang. Kung hindi nyo sya kilala, lam na. Hindi kayo maganda. Syempre, charot lang 'yon. Para sa kanya, lahat maganda, kahit para sa 'kin, hindi naman talaga maganda. Ewan. May pagka-tanga at pagkabulag yata itong si Johnny. Pati nga si Maria na madaming tagihawat, pinatulan nya. At saka si Juana na ubod ng itim na pinaglihi sa lucky me instant pancit canton, pinatulan nya rin. Eto matinde, si yaya Marissa na amoy utot ang hininga, tapos nakita namin yung panty sa nakalabas na sa sobrang laki tapos nagtututong na, niligawan nya rin. Ngunit palagi siyang nababasted.

Bakit nga ba?

Secreeeet... Basahin nyo na lang.

Tsk. Sige na nga! Ikekwento ko na sa inyo kung bakit nga palaging nababasted si Manong Johnny ng lahat ng kawani ng kababaihan at kahit ng kabaklaan.

Eh kasi nga, bukod sa sobrang desperado nya, matanda na kasi sya. Mga nasa 40+ na rin sya. At saklob lang ng pangjejemon ang meron sya. Nagtitinda siya ng ganoon. Wala syang pera. Wala syang gwapo. Wala. Pero meron pa rin naman syang pagmamay-ari. Sya ang may-ari ng kajejehan ng lahat ng mga jejemon, kapangitan ng lahat ng pangit, kabahuan ng lahat ng mabaho. At syempre, may bait din sya. Siya ang pinakamabait na taong nakilala ko. Para ko na syang tatay noon dahil palagi akong napapadaan sa tindahan nya ng saklob. Hindi man ako bumibili, pero palagi nya akong nililibre ng kwek kwek.

On the other hand...

Sino naman kaya ang kontrabida sa kwentong ito?

Secreeeet... Basahin nyo na lang.

Tsk. Sige na nga! Ikekwento ko na nga kung sinong kontrabida sa kwentong 'to!

Sino pa? Edi si Johnny Tor. Ang ubod ng gwapong sobrang manyak at palaging nanchichiks na kapatid ni Derrick. Sya ang kontrabida sa kwentong ito. Palagi nyang inaaway si manong. Bakit? Kasi girlfriend nya ako. Pinoprotektahan nya daw ako sa masasama lalo na daw kay manong Johnny. Hindi naman masamang tao si Manong Johnny. Sabi ko nga sa inyo, hindi nya ako nililigawan kasi parang anak na nya ako.

On the other hand...

Bakit nga ba mabait sa akin si Manong Johnny?

Secreeeet... Basahin nyo na lang.

Tsk. Sige na nga! Ikekwento ko na kung bakit mabait sa 'kin si Manong Johnny.

Eh kasi nga, may alam syang sikreto ko: na isa akong dyosa. Dyosa ng Kagandahan. At mission ko si Johnny Tor. Ang mapagbago si Johnny Tor. Si Johnny Tor na kasasabi ko lang sa inyo, na manyak, mayabang, palaging nangchichicks, malandi, mayaman, habulin ng maraming babae na basta! Masama ugali nya! Sinabi ko na sa kanya ang misyon ko pero hindi naman sya naniwala. Niligawan nya ako.... At pumayag ako. Syempre, hindi dahil mahal ko sya. Kundi para parusahan sya. Kaya ayan, ngayon, tambay na siya. At sya na ngayon si Manong Johnny.

Oo. Pinagpalit ko sila ng anyo. Si Manong Johnny na si Johnny Tor na mayaman, bata, pero hindi na mayabang, nangchichicks, manyak, malande. Ayun, ang perfect na nya. Ang gwapo na nya kasi nga, siya na ngayon si Johnny Tor.

Samantala, si Johnny Tor dati ay si manong Johnny na ngayon ay isang tambay, manyak, chaka, mabaho, jejemon, at kung anu-ano pa.

At ayan ang dahilan kung bakit palaging basted si Manong Johnny.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 31, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Manong JohnnyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon