Chapter 1: First Junior Day

7 0 0
                                    

Cassey's POV

*BEEEEEEEEP*
"Cass baba ka na! Baka malate ka! Andyan na bus mo!" Sigaw ni Ate

Ako nga pala si Cassey Villamor. 15 years old at isa lang akong simpleng babae. Masayahin din ako at KALOG. Oo, medyo may pagkatanga din ako pero hindi yung iniisip niyo na TANGA. Matalino ako, sa totoo lang isa ako sa mga pinakamatatalinong estudyante sa Greenfield University. Isang school yun kung saan nag-aaral ang mga mayayaman, spoiled at matapobreng estudyante. Yung mga tipong nakukuha nila lahat sa pamamagitan ng pera. Pero iba ako sakanila ha?

"Pababa na!" Inayos ko na ang mga gamit ko at kinuha ang phone ko. Bumaba na ako at sumakay na ng bus ko.

--SA BUS--

"Hi Cass! Good Morning!!! Namiss ka namin!" Sabay hug sakin nila Eliza at Ysabel. Si Eliza, maputi, mabait, napaka masayahin at sexy. Madaming nagkakagusto sakanya pero isan lang ang gusto niya. Si Ezra Fortaleza. Member siya ng sikat na grupo na BKS. Kilalang mga pogi, matapobre, masungit pero ubod ng gwapo na grupo ng mga lalake. Ewan ko nga kung anong nagustuhan niya dun eh, nakakainis kaya sila. Psh. Si Ysabel naman, maputi, maganda, sexy at masayahin din. PERO SIYA ANG PINAKAMALOKO SAMING TATLO. Isang beses, akalain mo ba namang susunugin niya ang buhok ng kaklase namin? Jusko po. Pero kahit ganyan yan, pumupuso yan HAHA. Si Kent Dela Tore. Member din ng BKS. Mga baliw ata tong mga kaibigan ko. Sila lang ang mga nakasundo ko sa GU, halos lahat kasi ng tao dun matapobre.

Nagkwentuhan lang kami hanggang makarating kami sa GU.

"Andito na tayo!" Sigaw ng driver

Nagsipagbabaan na kami at sumunod and mga walang humpay na mga tingin. Ano bang mali sa suot ko? Porket dito ako nagaaral eh gagaya na ako sa pananamit nila? No way bishes HA-HA.

Nandito na kami sa classroom at tabi tabi kami ng upuan.

Napatingin ako sa dalawa. Teka, kanina ko pa napapansin na may tinitignan sila dun sa dulo ah. Tumingin ako sa tinitignan nila at di ko ikinagulat ang nakita ko. Sino pa ba? Si Ezra at Kent.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 31, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Signs?! Huh?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon