Prologue

34 0 0
                                    

Nagkakape ako sa may counter ng kusina ng apartment na inuupahan ko. Tahimik ang paligid, napakarelaxing.  Nasa good mood din ako dahil kakatapos lang naming magkita ni Joshien. Dapat isusurprise  niya  ako  at napatunayan kong mahal niya talaga ako. Para bang lahat ay okay na. Walang problema at everything is falling into its right places. Busy lang talaga siya.

Pero biglang may kumatok sa pintuan at nabulabog ang katahimikan. Binuksan ko ang pinto at nakita  ko ang isang lalaking nakatayo at nakatitig sa akin.

"Huwag ka sanang mabibigla. Alam kong parang perpekto na ang lahat sa  buhay mo. Pero paborito  kitang  character at ayokong mauwi nanaman  ito sa masamang ending. Alam ko kung paano natapos ang kwento ng buhay mo at gusto ko lang namang tumulong para hindi muling maging ganoon ang kahinatnan ng buong storyang ito."

Book TravelerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon