Chapter One

16 0 0
                                    

“What the effin--!!”

Napatayo ako sa kama. Nabasa ko ang text ni Joshien sa akin.

Babe, I’m sorry. Di tuloy date natin :( Happy monthsarry. :)
- from: Joshien <3

Ano ang happy don?! Wala akong klase ngayong buong araw. Ang inaantay ko lang talagang mangyari ngayon ay ang date naming dalawa tapos hindi pa matutuloy?! Ano na gagawin ko buong araw? Eh tapos pang 1 year and 4 months na namin to. Ilang beses na rin siyang ganyan. Palagi na lang may dahilan, kesyo may ipapasa siyang project na kailangan tapusin, kesyo bawal umabsent sa part-time job niya. Iniintindi ko naman siya. Pero ngayong mahalagang araw pa talaga?

Sa inis ko sa kaniya, hindi ko siya nireplyan. Ganyan lang naman ang klase ng pagtatampo ang kaya kong gawin sa kaniya. Kapag yan, nagsorry na, wala na. Mapapatawad ko agad. Yun din naman ang problema sakin eh. Para tuloy akong nate-take for granted. Mahal na mahal ko kasi eh.

Ala-una pa lang. Alas-kwatro dapat yung date namin. Kanina pa ako nakahilata sa kama at walang magawa eh. Akala ko kailangan kong magpahinga para maganda ako mamaya tapos wala rin naman palang date na mangyayari. 

Tumayo na ako sa kama at nag-ayos ng higaan. Nagtimpla ako ng kape para sa sarili ko at nang mahimasmasan naman ako. Stress reliever talaga ang kape eh. Matapos magkape ay lumabas ako ng apartment na inuupahan ko para makalanghap man lang ng sariwang hangin. Naglakad-lakad ako sa may parking lot habang nakapyjama lang ako. Gusto kong magmukmok o kaya mag-amok. Hindi ko alam kung alin ang mas makakapagtanggal ng inis ko. 

Pero napatigil ako sa paglalakad ng makita ko ang kotse ni Joshien na nakapark doon. Kilalang-kilala ko ang kotse niya at syempre, plate number niya ang nakalagay doon. Akala ko namamalikmata lang ako pero hindi pala. Kotse pala talaga niya iyon dahil nakita ko ang barkada niyang nagkakabit ng mga lobo sa may compartment ng kotse. Nag-iinisan pa sila at naririnig ko pa ang pangalan ko sa mga asaran nila. Surprise ba ni Joshien para sa akin to? Nakita ko si Joshien sa may gilid na may hawak na cake at pinasindihan niya ang kandila nito sa isa niyang kaibigan na si Rick.

“Joshien!” Tawag ko. Wala akong pakialam kung isusurprise niya dapat ako. O kahit pa nasira ko ang plano niya. Natutuwa ang puso ko sa nakikita ko at gusto kong malaman niya agad ito. Kaagadna napalitan ng kaligayahan ang puso ko na kanina lang ay gusto ng mag-amok. Lumapit ako sa kanila.

“Oh shit!” Narinig kong sabi niya at muntikan pang malaglag ang cake na hawak niya. Nataranta siya at pilit niya pang itinatago ang cake sa akin. Pati rin ang barkada niya ay natigil sa pagkabit ngmga lobo sa compartment.

Natawa ko sa kanilang lahat, pero mangiyak-ngiyak na talaga ako. Hindi ko naman kasi akalain na may balak pala siyang ganito. 

“Ano to?” Lumapit ako kay Joshien. Alam ko namang isa itong sorpresa pero syempre gusto kong sa kaniya mismo manggaling.

Humarap sa akin si Joshien. Mukha siyang nahihiya at umiiling-iling pa siya. Nangingiti siya pero itinatago niya.

“Sabihin mo na, pre!” Kantyaw ng mga kaibigan niya. 

“Oh sige na nga.” Humarap siya sa aking hawak-hawak ang cake na may nakalagay na ‘Happy Monthsarry.’ May isang kandila doon na nakasindi na. “Gusto sana kitang isurprise para sa isang taon at apat na buwang pagkakaroon natin ng relasyon eh. Sinabi ko na lang kanina na hindi tayo tuloy sa date para sana isusurprise na lang kita. Hindi ko naman alam na lalabas ka ng apartment mo.” Natawa siya.

Book TravelerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon