CHAPTER 1

1 0 0
                                    

Umaga pa lang ay gising na si Iva sa ka-dahilanang excited itong salubungin si David mula sa isang linggong bakasyon kasama ang nakakatanda nitong kapatid na si Isco. Si David, ang anak ng kanyang pumanaw na Nanny, ibinilin nito sa kanila ang kaisa-isahang anak bago siya pumanaw. Bagamat tinuring ng mag-asawang Sarmiento si David bilang isang tunay na anak, iba ang turing nang bunsong anak dito at hindi niya ikinakahiya na siya ay patay na patay sa anak ng kanyang dating Nanny. Never pa niya itong tinawag na Kuya kahit na mas nakakatanda ito ng tatlong taon sa kanya at hinding-hindi niya rin ito tinuring bilang isang tunay na kapatid, hindi naman ito tinutulan ng mag-asawa dahil natatangi nilang unica ija si Iva at masasabing spoiled ito.

Pagkababa niya ng hagdan ay nakita niyang prenteng nakaupo ang kanyang Kuya Isco sa sofa habang kausap si David na patuloy na binu-butingting ang hawak na gitara.

Kuya, andito na pala kayo. Akala ko ay parating palang kayo ng mga ganitong oras. Kumain na ba kayo, David? Teka, pupuntahan ko lang sila Mama sa kusina. Nagugutom na ba kayo?

Napaismid siya ng wala manlang ni isa ang sumagot sa kanya kaya naman nagtungo nalang siya sa kanilang kusina at tinikman ang luto ng kanyang ina.

Kuya, kakain na raw sabi ni Mommy.

Teka, tapusin lang namin to. Mauna ka na kaya.

Hindi niya ito pinansin dahil nais niyang makasabay ang dalawa bagkus ay tinabihan niya si David na tahimik lang. Kinuha niya ang orange juice sa lamesa at walang pasabing ininom ito, hula niya ay kay David iyon. Indirect kiss, sumagi sa kaniyang isipan atsaka biglang napangiti.

David, ang aga-aga umiinom ka nitong orange juice. Wala pa namang laman ang sikmura mo mamaya ay baka sumakit ang tiyan mo. You should have eat your breakfast first.

Tumayo si David mula sa pagkakaupo at tinungo ang dining room.

Kahit na lantaran niyang pinapaalam dito na hindi kapatid ang turing niya sa kanya ay tila walang epekto sa binata, hindi siya nito iniimikan ngunit hindi iyon naging hadlang upang ipakita niya rito ang tunay na nararandaman. Malayo ang loob nito sa kanya pero determinado siya sa pagsuyo rito. Hindi naman niya masasabing pangit siya, maganda naman ang kurba ng kaniyang katawan at makinis naman ang kaniyang mukha kaya naman lubos nap ala-isipan sa kaniya kung ano ba ng tipo nitong babae.

Sa katunayan ay maraming gustong manligaw rito ngunit lagi niya itong hini-hindian dahil si David lang ang tanging gusto niya kaya naman sa huli ay nagiging kaibigan na lang niya ang mga ito. Kung hindi ito ang makakatuluyan niya ay ipapangako niya sa sarili na sa kumbento na lamang siya tutuloy hindi para magpakasal sa ibang lalaki kundi magmadre. Sana lang ay hindi niya ito makain baka pagdating ng araw ay mapagod din siya at may mahanap siyang iba.

Gustuhin man niyang tanggalin ang lalaki sa kanyang puso at isipan ay hindi niya magawa mas lalo lang lumalalim ang pagtingin niya rito kaya naman hindi na niya sinubukan pa.

Pagdating nila sa gate ay biglang may babaeng nag-abot ng isang rosas na may kasamang love letter sa kanya na ipinagtaka niya. Gustuhin man niyang itanong sa babae kung sino ang nagpabigay ngunit hindi na niya ito naabutan pa, bigla nalang itong tumakbo.

Sinong nanliligaw sayo?, tanong ng kanyang Kuya.

Napatingin naman siya kay David na naghihintay din ng sagot mula sa kanya. Baka akalain nito ay nagpapalandi siya sa gayong sinabi niyang mahal niya ito. Oo, matagal na siyang nagtapat dito pero hindi niya malaman kung ano ang nasa isip nito.

Hindi ko nga alam Kuya halos lahat naman ng nagtatangkang manligaw sa akin eh hindi ko pinapayagan kasi meron nakong napupusuan. Wala lang naman yon kahit na gaano pa kadaming ang ibigay niyang rosas eh hinding-hindi niya mapapantayan an---

Sinserong paliwanag niya habang nakatingin sa mga mata ni David ngunit pinutol ni Isco, hindi niya alam kung bakit siya nagpapaliwanag sa binata eh wala naman itong pakialam sa kaniya pero kasi baka akalain niya na mayroon na siyang boyfriend o kaya meron siyang kalandian ng hindi nito nalalaman. Basta ang alam niya eh gusto niyang ipaalam lahat ng galaw niya rito.

Basta pag nagpakita yang duwag mong manliligaw ipaalam mo sakin, hindi ka pa pwedeng magpaligaw hanggat nandito kami ni David. Masyado ka pang bata para magka-boyfriend. Hindi naman sa pinipigilan kita pero kapag nahanap mo na talaga ang totoong lalaking magpapatibok sa puso mo ay sabihin mo lang, wag mong sikilin ang damdamin mo.

Pero Kuya! Alam mo naman siguro kung sino ang laman nito.

Tinuro niya ang left side ng kanyang dibdib tapat ng puso na napakalakas ang tibok.

Tara na nga, malelate na tayo sa first class natin., David.

Sumimangot siya dahil kay David at sinundan nalang ito kahit na medyo malayo ang building nila sa building niya. Nursing student kasi ang kinukuha niya samantalang ang dalawa naman ay Business Ad. Graduating na ito samantalang iyon ang unang taon niya sa kolehiyo, naabutan kasi siya ng K-12.

Simula bata pa lamang ay pangarap na niya ang maging isang nurse, nurse kasi ang mga pinsan niya sa father side kaya naman ng tumuntong siya ng senior high school ay kinuha niya ang strand na stem upang hindi siya mahirapan sa maghabol ng mga subject sa kolehiyo at ganon nga ang nangyari.

SPARE ME A LOVE FROM YOUR HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon