This one-shot story is dedicated to Shella Galgana, birthday kasi niya ngayon. November 23, 2014. Happy Birthday! 20 years old na siya. Ang tanda! :))) Story 'to na napag-usapan namin noong 1st year college palang kami, tungkol 'to doon sa inaasar ko sa kanya noon. Haha! Sinulat ko lang into a one shot story. This story is not about her. Dedicated lang sa kanya. Sabay kasi naming naisipan ang idea na ito. Yun lang yun. :)
WARNING!!! - Bad words. Kadiri words. Kababuyan words. Please read at your own risk. Thank you!
Love,
Mhariz. :3
--
Barbero: I Heart You! © mharizt 2014
Umagang umaga ay nagising ako sa nagtext. Ang ingay kasi ng ringtone nitong hinayupak na cellphone ko. Lalo akong nainis dahil nagising pa ako. Wala naman kasing kwenta yung nagtext. At yung laman ng text, mga panlalait pa sa akin. At ang tawag niya sa sarili niya ay manliligaw ko? Punyeta siya.
Bruto Balbasarado:
Hi Tae. Sagutin mo na ako, please. Huwag ka ngang maarte diyan. Tae ka lang naman. Pakipot ka pa. Pa-hard to get ka pa. Feeling mo maganda ka na niyan? Dream on, Tae. Sa akin lang din ang bagsak mong tae ka.
Ang kapal kapal talaga ng mukha nitong Brutong to. Kung maka-tae siya sa akin. Kala niya, ang bango ng pangalan niya. Yucks ha. At kala niya sasagutin ko siya? Kadiri siya. Itsura niyang yun? Mukha nga siyang isa sa mga lasinggerong labas yung tiyan sa mga pelikula eh. Ang lago lago pa ng buhok. Pangit pa.
Kung sa bagay, pangit din naman ako. Hindi naman ako nagmamaganda. Mataba ako. Labas ang mga bilbil ko sa katawan. Malakas kasi akong kumain. Ang buhok ko naman ay parang bihon na hindi pa luto. Sobrang tigas kasi. Kaya bagay ako sa mga tinitinda kong bihon eh. Sabon kasi yung pinanggagamit kong shampoo. Malamang, wala naman kasi akong perang pambili ng shampoo eh. Malalim ang mga mata ko pero pango ang ilong ko. Yung lips ko naman, mukhang laging nakanguso na ready na makipaghalikan anytime. Namamalat malat pa. Wala rin akong hinaharap. Pero yung pwet ko? Yun lang ang ipagmamalaki ko. Kasi iyon, malaki talaga. Hahaha!
Pero kung pangit ako, mas pangit talaga sa akin si Bruto. Kaya hindi pwedeng magkatuluyan kami. Kawawa naman ang itsura ng magiging anak namin. Baka maging sobrang pangit na nun.
"Oh, hindi ka pa ba naliligo? Magdedeliver ka pa ng bihon sa Bruto's barbers mamaya ah?" tanong ni Chelsea, katrabaho ko sa Bihon ni Bebang.
"Hindi na. Idedeliver ko nalang ng walang ligo ligo."
"Hindi ka ba nandidiri sa sarili mo? Talagang pinaninindigan mo yang pangalan mo ah?"
"Hindi. Kasi kay Bruto palang, diring diri na ako."
"Wow. Nahiya naman yung pangalan mo sayo. Hahaha!" tawang tawa si Chelsea habang nagyoyosi.
Iniwan ko siya at hinanda na ang mga bihon na inorder ni Bruto at ng mga kasamahan niyang barbero.
Oo nga pala, ang pangalan ko ay Taekwondo Dragona Mabajo. Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ng mga magulang ko at iyan ang ipinangalan nila sa akin. Galit yata sila sa mundo nang pinagisipan nila ang ipapangalan sa akin. O kaya nadismaya yata sila sa naging itsura ko kaya naman tinuloy tuloy na nila pati sa pangalan ko. Ilang beses ko na rin silang tinatanong kung bakit ito ang napili nilang pangalan pero ang lagi lang nilang sinasabi ay 'cute' daw kasi. Oo nga naman, cute. Kaya nga ang nickname na binigay nila sa akin ay ang pinakacute din sa buong mundo. Ako nga pala si Taekwondo, but you can call me 'Tae' for short. Ang cute, 'di ba?
BINABASA MO ANG
Barbero: I Heart You! (One-shot)
RandomHow far can you go to 'wow' a girl? Ano nga ba ang techniques para mapangiti ang isang babae? O kaya para mapasagot ito? Paano nga ba dumiskarte ang mga barbero? TAGLISH | ONE-SHOT