Dumarating sa buhay natin yung oras na may mawawala't mawawalang tao sa buhay natin. Hindi dahil sa gusto nyang lumisan ngunit dahil sa kailangan na nyang magpaalam.
Hiram lang ang buhay sa mundo, walang permanente, walang tumatagal sa 150 na taon. Ngunit ganoon pa man, masaya na tayo't pinagkalooban tayo ng isang pagkakataon para mabuhay, hindi man permanente pero isa sa pinakamasayang regalo ni God sa bawat isa.
Nakakatak dapat sa puso't isipan ng bawat ng magmamahal sa indibidwal na ito. Minsan nila tayong pinatawa, minsan nila tayong tinulungan, minsan nila tayong sinamahan sa lungkot, minsan nila tayong pinangiti at ang importante dito ay yung minsan nila tayong binigyan ng masasayang alala na kahit kailan ay hindi hindi natin malilimutan hanggang sa kabilang buhay.
Simple lamang ang hiling ng bawat lilisan at magpapaalam dito sa mundo. At ito ay yung wag na wag sana natin silang makakalimutan.
BINABASA MO ANG
A simple request ( For all saints day story)
RandomPag alala sa mga taong mahal natin na ngayo'y pumanaw ngunit mananatiling buhay sa ating puso't isipan ng bawat isa.