Chapter 05 | SAVE BY THE BELL

1.5K 33 0
                                    

Chapter 05

Naalimpungatan ako ng mangati yung braso ko minulat ko yung mata ko at si Mister creepy agad ang una kong nakita nilibot ko yung buong classroom at kami nalang palang dalawa ang naiwan dito.

So hinayaan nya talaga akong matulog, tulog din sya ngayon naka cross-arm sya habang diretso lang yung nya, pinag masdan ko naman yung mukha nya.

Gwapo din naman si Mister Creepy eh mahaba ang pilik mata, makapal yung kilay nya, maputi at makinis ang kanyang mukha, matangos ang ilong nya at yung labi nya mapula na may halo ganin hindi naman maitim, ewan ko din ba hindi ko din ma-explain eh.

Nagulat naman ako ng bigla syang dumilat at diretso agad saken ang mga tingin nya.

“Finish memorizing my face?” Cold na Tanong ni Mister Creepy agad namang nanlaki ang mata ko

“Hoy Hindi ha! Teka nga lang nagtutulog tulugan kalang noh!” Nakataas na Kilay na tanong ko bigla naman syang humikab

“No, I am not nagigising kasi ako pag may nakatingin saken ng matagal o may naka masid saken.” Sabi ni Mister Creepy sabay tayo at inayos nya naman yung coat nya

Ahh akala ko nagtutulog-tulugan ka lang eh.” sabi ko sabay tayo bigla namang nangunot ang noo nya at pinasasahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa kaya naman binigyan ko sya ng 'Ano yan look'
“Oh bakit, nanaman?”

Tss, ayusin mo nga yang Jacket mo.”
Kunot-noong sabi nya sabay lapit saken at inayos ang pagkakatali ng jacket nya sa bewang ko.

Naamoy ko naman yung buhok nya, ambango talaga ng buhok nya agad naman akong bumalik sa ulirat ng lumayo na sya ulit saken.

N-Nasan y-yung m-mga k-kaklase
n-naten.” Naiilang na Tanong ko

Parehas tayong tulog tapos magtatanong ka saken ngayon, Tss.” Naka poker face na sabi nya kaya naman inirapan ko sya. “At sa tingin mo naman nakakatawa yon ha?”

“Biro lang, nandun sila sa may quadrangle may General Cleaning kasi ngayon sa lahat ng tertiary.” Nanlaki naman yung mata ko sa sinabi nya

“Ha! Edi kailangan nateng pumunta dun baka mapagalitan tayo, ako lalo't na, na transferee palang ako dito.” kinakabahan na sabi ko agad naman syang umiling kaya naman tinaasan ko sya ng kilay. “No need to worry Aleeza, sagot kita sakanila.”
Nakangising Sabi nya kaya naman napairap ako sa may ere, kinunutan naman nya ako ng noo kaya naman tinaasan ko sya ng kilay.
“Bat ba ang hilig mong mang-irap ha?”

Ikaw bat ang hilig mong mag-tanong.”
Balik tanong ko sakanya

“Cauz, Im handsome.” Preskong Sabi nya kaya naman nasuka ako pero pabiro lang naman ha, tinarayan ko naman sya at tinaasan ko sya ng kilay. Ang kapal din naman ng apogs mo eh noh.”

Luxury Series 1: Property Of The Gangster Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon