<3
ANG KUYA KONG CRUSH NG BAYAN [28]
Agad kong tinawagan ang numerong ibinigay niya. "Sagutin mo, sagutin mo, sagutin mo...." Ang bulong ko, nanginginig ang kalamnan sa pagkainip na mag-ring ang kabilng linya.
At nagring nga...
Hindi pa nakatapos ang isang buong ring ay may sumagot na, "Hello!"
"Si Kuya Rom!" Sigaw ng isip ko. "K-kuya..." ang nasambit ko lang gawa ng magkahalong saya at excitement na narinig muli ang boses niya.
Para akong nakokoryenteng hindi makagalaw at nanatiling hinahawakan ang cp sa tenga ko.
"Anoooo?" Tanong niya, marahil ay nainip din sa di ko pagpatuloy sa sasabihin. "Hindi ka ba magsasalita? Wala man lang I love you, o sorry, o pigilan ako na huwag nang tumuloy?"
Napahagulgol ako. "I love you kuya. Huwag mo akong iwan. Antagal-tagal na kitang hinintay tapos ngayon, aalis ka na naman? Ayoko na. Wala na si papa, hindi ko na kayang mawala ka pa kuya!"
"O e di, kung ganoon, puntahan mo ako dito sa airport at ngayon na! Dalian mo baka magbago pa ang isip ko." Sabay patay sa linya niya.
Hindi ko na nagawa pang magpalit ng damit. Dali-dali kong tinumbok ang pintuan ng kwarto upang diretso na sanang tumbukin ang car park at tawagin ang driver. Ngunit noong binuksan ko na ang pinto ng kwarto ko, laking gulat ko sa nakita. Nakatayo lang pala si kuya Rom sa harap nito, may dala-dalang isang pumpon ng mga malalaki at pulang-pulang mga rosas at sa kabilang kamay ay bitbit ang isang malaking karton ng pizza, galing sa paborito ko pang kainan.
"Surprise!!!" sigaw niya, bakat sa mukha ang sobrang excitement.
Napako ako sa kinatatayuan at hindi nakaimik kaagad. Syempre, nagmamadali ako, ang nakatatak sa isip ay magbibiyahe pa ako bago siya makita. Tapos, nandoon lang pala siya nakatayo sa labas ng aking kuwarto.
Tinitigan ko na lang siya, hindi makapaniwalang nasa harap ko na ang taong minamahal ko, ang taong tinitibok ng puso ko. Para akong napasailalim sa kanyang kapangyarihan; ang ngiting nasilayan ko sa mga labi niya ay sobrang nakakabighani; ang mga mata ay mistulang nangungusap. Naka t-shirt ng semi-fit na kulay blue at may stripes na yellow sa dibdib, naka-straight-cut na maong. Bakat na bakat ang hunk na katawan sa kanyang kasuotan.
"Ey... huwag mo akong titigan, malulusaw ako niyan!" sigaw niya.
Tila bumalik uli ang katinuan ng isip ko sa narinig. "A-akala ko ba nasa airport ka?" ang naisagot ko na lang.
"Nasa airport nga ako kanina. Kaso hindi ko na hinintay pa ang tawag mo. Kasi..." inilipat niya sa kabilang kamay ang bitbit na karton ng pizza kung saan naka hawak din ang mga bulaklak at dali-daling tinumbok ang pintuang naka-bukas pa rin, hinawakan ang door knob at pumasok habang nakabuntot naman akong sumunod sa loob. Noong nasa loob na kaming dalawa, agad niyang ini-lock ang pinto at sumandal dito, bitbit pa rin ang pizza at ang bulaklak sa kanyang mga kamay.
Humarap ako sa kanya, "Kasi, ano...?" ang pag-usisa ko sa nabitin niyang salita.
"...hindi ko na papayagang mapalayo uli ako sa iyo tol... Hindi na ako papayag na mawalay ka pa sa akin." Sagot niya habang tinitigan ang mukha ko.
Hindi ako nakasagot agad sa sobrang kaligayahan sa narinig. Parang maiiyak ako.
"O, bulaklak mo..." dugtong niya.
Ngunit imbes na tanggapin ko ang bulaklak, niyakap ko siya ng mahigpit at hinalikan siya sa bibig.
Wala nang nagawa pa si Kuya Romwel kundi ang magpaubaya at ilaglag sa sahig ang dala-dalang bulaklak at pizza. Sinuklian niya ang mga yakap ko, ramdam kong mas mahigpit ito na para bang iyon na ang huli naming pagyayakapan at paghahalikan.