JanIce (Janry & Felice)

37 4 1
                                    

Matalik kong kaibigan si Janry halos nga Kuya na ang turing ko sa kanya. Hindi ko naman lubos akalain nung isang araw ay nagtapat sya saakin.

"Alam mo maganda ka, Matalino, at kinagigiliwan ng lahat." Sabi ni Janry sa Harap ko Hawak Hawak ang Kanang Kamay ko. Ang buo kong akala ay isa na naman ito sa mga Franks nya. Ngunit lumuhod sya sa harap ko. "Mahal kita, at kahit na alam kong may Mahal kang iba ay hindi pa rin ako tumitigil na Mahalin ka."

"Brad, ano ba? Eh, mas may karapat dapat dyan sayo. Yung babaeng i-aalay ang buhay nya para lang sayo, nandyan si Therese na obssess na obssess sayo. Baka sugurin pa ako nun. Sya nalang wag ako." Pagtanggi ko sa sinabi ni Janry. Inalis ko na rin ang pagkakahawak nya sa kamay ko at pilit na tumalikod sa kanya. "Brad, alam mong mas importante saakin ang pagkakaibigang nabuo natin simula ng mga bata palang tayo. Wag mo naman sanang sirain iyon." Nakatingin nalang ako sa baba, habang pinaglalaruan ang aking buhok.

"Ikaw ang gusto ko, Mahal na mahal kita. Sobrang mahal kita, kaya nga bawat oras na kasama ka ay di ko pinalalagpas. Masaya ako sa tuwing nasisilayan ko ang mga ngiti dyan sa mga labi mo lalo pa kung ako ang nagiging dahilan nyan. Kaya sana pagbigyan mo akong mas mahalin kapa. Matagal ko na ring itinago ang pagsinta ko sayo at ngayon nga lang ako nagkaroon ng lakas ng loob upang sabihin ito." Kahit na gustuhin ko man sana ay mas pipiliin ko ang relasyong namamagitan sa ating ay yung mas tatagal. Hindi yung tipo na sa isang iglap ay pwdeng mawala.

"Pasensya na talaga, Hindi ko kayang Suklian ang Pagmamahal mo. Hindi kita mahal, ni Hindi kita Gusto. Iba ang Mahal ko at hindi Ikaw yun. Wag kanang Umasa pa." Sinaktan ko nun si Janry. Tinakbuhan at halos di na nagparamdam. Sa totoo lang naman ay Mahal ko siya, hindi lang Mahal kundi Mahal na Mahal pa. Ayoko lang na Masira ang aming Pagsasama.

Sa tingin ko tama namang hindi ko siya sinagot di ba kasi alam ko sa sarili ko na Hinding-Hindi ko kayang suklian ang pagmamahal na ibibigay nya. Hindi ako ang babaeng karapat-dapat sa isang katulad nya dahil sa isa akong duwag. Baka dumating rin ang pagkakataong matauhan sya at maisip nya na hindi naman talaga nya ako mahal kundi nabubulag lamang sya.

Minsan ko na ring inimagine ang sarili ko na kasayaw si Janry ngunit isa lalng yun panaginip na hindi maaring mangyari sa realidad kaya't kailangan kong gumising at magpakatatag kahit na alam kong sinaktan ko sya. Hindi ko man tinanggap ang alok nya, inisip ko naman ang tama para sa kanya. Mahirap lamang ako, at halos walang wala talaga ako kumpara sa pamilya nila at dun kay Therese. Matututunan ding mahalin ni Janry si Therese alam ko yun. Nararamdaman ko kung sakaling maging sila ay mas magiging proud ang Parents ni Janry, na ninanais nya sa simula pa lamang. Hahayaan ko lang ang sarili ko ang masaktan at masugatan atleast alam ko na kung sakali man na maging sila ni Therese ay magiging masaya sya.

Lumipas ang mga araw at buwan. Hindi ko na nagawang nagpakita, ni magparamdam sa kanya. Nahihiya ako sa ginawa ko, Nahihiya ako dahil sa tinanggihan ko ang tanging pagkakataong iyon. Hindi ko kasi kayang masikmura na kamumuhian sya ng kanyang mga magulang dahail sa minahal nya ang isang katulad kong hampas-lupa lamang. Ayaw kong mapagalitan sya, ayaw kong sirain ang buhay nya ngunit yun nga ang nagawa ko. Sa paghahangad na hindi sya masaktan o sirain man lang ang kanyang buhay, sa isang iglap nawala rin. Ang pinaka-iiwasan kong mangyari, nangyari na rin. Sinisisi ko ang sarili ko. "Bakit kasi Brad, sa dinami-dami ng pwdeng mahalin nandyan naman si Therese. Bakit kasi ako pa? Hindi naman ako maiikumpara sa ibang babaeng halos mamatay sa kahahabol saiyo." Sa paglalakad ko ay nakarating ako sa meeting place namin noon ni Janry sa isang peaceful na Tree na may nakasulat na JanIce (Janry & Felice). Nang nakita ko iyon bigla nalang sumikip ang dibdib ko, at parang sinasadya na ang susunod na awit sa Phone ko ay ang "Let Me Be The One". Ito ang laging inaawit saakin ni Janry habang naggigitara sya. Sabay kaming kumakanta hanggang sa makaiglip ako sa punong ito. Lagi rin niya itong pinaparinig saakin kahit na ulet-ulet nalang habang naka-angkas ako sa Motor nya. At pareho rin naming inilagay ang awit na ito sa Favorite Song namin. Tuwing naririnig ko ito, naaalala ko sya, naaalala ko ang masasayang pagkakataong kasama sya, ang mga ngiting ibinibigay namin sa isa't isa at syempre ang mga emosyong nararamdaman namin. Di ko namalayang naluluha na ako, ang sumisikip ang dibdib na para bang may nangyayaring masama. Pinakinggan ko nang maigi ang Kanta.

JanIce (Janry & Felice)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon