Teardrops on my Guitar - One Shot

205 6 2
                                    

Seven years...

Antagal na pala. Pitong taon na. Bakit parang sobrang sariwa pa rin ng mga ala-ala? Ng mga pangyayari? Gano'n ba talaga kahirap lumimot? Sa bawat taong nakakasalamuha ko, hindi ko maiwasang hindi sila maikumpara sa'yo. "OMG! Magkamukha sila!" "Pareho silang paborito ito..."

Ba't kailangang maisip kita palagi? Bakit hindi kita makalimutan? Dahil walang closure? Dahil marami akong "what if's"? O dahil...at some point, you managed to crawl into my heart and managed to stay there up until now?

Seven years ago, I felt like a princess. I felt so beautiful. I felt sooo...inspired. All because of you. You made me feel so alive. 'Yung tipong excited akong pumasok kasi makikita na naman kita. 'Yung feeling na napapangiti ako 'pag nahuhuli kitang nakatitig sa'kin. 'Yung mga sandali na nagnanakaw din ako ng sulyap sa'yo.

Seven years ago, wala pa akong ka-muwang-muwang sa salitang LOVE. May crush ako, oo. But suddenly, you came into the picture. I remembered it perfectly. Transferee ka sa school ko. Our homeroom teacher introduced you to the class. You immediately caught my attention because of, first, well 'di ko naman i-dedeny na ang gwapo-gwapo mo talaga kahit hindi ka nakangiti habang pinapakilala ka sa klase. But the other thing that got me arrested was your eyes. They were lifeless. Pinaupo ka na ni Ma'am. Nasa table ka ng group 3 at ako naman eh group 4. Magkatapat tayo kasi pareho 'yung pwesto natin. You were on my right side. Sinundan kita ng tingin as you made your way to your seat, your eyes glassy. Para kang robot. Before you took your seat, you looked at me. Biglang nagriot 'yung dibdib ko. Kakaiba ka tumingin. But I smiled at you. I don't what had gotten in to me. Dapat talaga iiiwas ko tingin ko eh. But I smiled. Tough luck...you didn't smile back. Haha. Simula nu'n, lagi ko nang napapansin na napakatahimik mo. Lilipas ang isang araw na minsan mo lang naibuka bunganga mo. Pero kasi hindi naman tayo magkagroup so hindi ko din alam. And then came the last quarter at nagpalit na naman ng seating arrangement si Ma'am. Tough luck again, naging ka-group na kita. 'Di siya big deal nu'n. Ang big deal sa'kin is ka-group ko rin 'yung crush ko. Hindi pa kita crush nu'n. Pero sinabi ko sa mga kaklase natin na ikaw crush ko kasi bwisit 'yung crush ko. Kasama siya sa mga nambubully sa'kin. Ikaw lang ang tanging lalaki (at tanging classmate din ata) na hindi ako pinagtripan. Pinagtanggol mo pa nga ako. Although late ko na nalaman 'yung tungkol doon. Pero ang hindi ko makalimutan eh 'yung nung nakalat na na ikaw 'yung "crush ko eh tinanong ka ng kaibigan mo. "Crush ka daw niya oh. Eww. Ano'ng masasabi mo?" "Okay lang. Ano namang masama kung magkacrush 'yung tao. Saka hindi naman niya kayo inaano. Tama na." Kaya nung naging magkagroup tayo, naging agenda ko na pangitiin ka kahit minsan lang. The opportunity came nung nauso 'yung "Killer Game" sa room natin. Naalala ko nun, palaging sexy 'yung nabubunot mo. Natatawa ako kasi ang pula-pula mo tuwing sinasabi namin na i-act mo 'yung sa sexy. Kaya naging tawag na namin sa'yo 'yung Sexy (courtesy of me ^_^v).

"Good afternoon, sexy." Bati ko sa'yo pagdating mo. You smiled. It was the first time I saw you smile. Nagbago isip ko. Imbes na mission accomplished na ako sa Oplan: Pangitiin Siya eh naging Oplan: Pangitiin siya araw-araw. So naging araw-araw na sinusubukan kong pangitiin ka.

Another school year. One year older na tayo. Dito na nagkaleche-leche. P.E. natin and I was doing my push-ups. Two of my friends asked you who your crush was dahil 'yung sa kanila may crush sa'yo. Hahaha. Introvert ka pa rin and as usual, aloof, snob, unsmiling. Pero naglakas-loob 'yung dalawa na kausapin ka, let alone tanungin ka kung sino crush mo (saludo ako sa kanila, infairness). Nang tinanong ka nila, sagot mo "Bakit ko sasabihin?" (sungit -_-) "Sige na, 'di namin ipagkakalat" sabi nung isa "Oo nga. Gusto lang namin malaman." susog naman nung isa. Hindi ka nagsalita ng matagal. Nakatingin ka lang daw sa harap. Aalis na sana sila ng biglang sabi mo "Ayos lang naman na malaman niya basta hindi na malaman ng iba" "Oh eh sino crush mo?" (excited XD) Hindi ka uli umimik. "Ganito na lang, sasabihin namin lahat ng pangalan ng babaeng kaklase natin tapos ngiti ka na lang 'pag nasabi na namin." Still no response. Napangalahati na daw nila 'yung mga babae at nung tumingin sila sa bandang harap, andodoon ako kaya biglang nabanggit nung isa 'yung pangalan ko. Bigla ka naman daw ngumiti. "Siyaaa??? Pwede ba naming sabihin sa kanya?" Tumango ka lang daw. Sakto naman natapos na ako mag-push ups. Nilapitan ako ng isa sa kanila at sinabi 'yun. Pero dahil hingal ako mula sa push-ups, hindi ko narinig.

Teardrops on my Guitar - One Shot #Wattys2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon