Naglakad-lakad ako sa park nang may kumalabit sakin.
"Ate, ate, may nagpapabigay po sayo".
Nakita ko ang isang cute na cute na batang babae na may inaabot na isang letter, may dala pa siyang ice cream na tumutulo na sa sapatos niya dahil tunaw na ito.
"Kanino daw galing?" tanong ko.
Tinignan ko ang sulat at pagtingin ko sa bata ay wala na siya sa kaniyang pwesto.
Asan na yon?
Lumilingon lingon ako para hanapin ang batang iyon pero sadyang hindi na siya makita ng aking mga mata.
Kanino kaya galing to? Binuksan ko ang sulat at binasa ang nakalagay doon.
Dear L,
Meet me at the place where we first met. Tonight at 8:00 pm. I have something important to tell you. I'm waiting.- Clyne
Oh it's from Clyne.He's my boyfriend but why would he ask a girl to give this letter when he can message or call me through the phone? Maybe he's up to something. Minsan na niya kasi akong sinorpresa nung birthday ko. He's sweet and I love him for that. Pero wala namang okasyon, bakit niya ako sosorpresahin?
Sumakay na ako sa kotse ko at pinuntahan ang lugar kung saan kami unang nagkita. Isa itong seaside na may malapit na mall. I was crying that time when he approached me. He was there to comfort me even if we're stranger to each other and that is the time when I realized that love at first sight is true and luckily, it happened to me. This place is very memorable for us because this is where we had our first date, our first kiss and this is the place where he tell me he love me for the first time.
Excited na akong makita siya dahil limang araw na siyang walang paramdam sa akin..kahit tawag o texts ay wala. Pero okay lang sakin dahil ang sabi niya ay magiging busy daw siya for one week dahil may ipapaasikaso daw ang daddy niya sa kaniya.Hindi ko na siya tinawagan sa mga nakaraang araw dahil baka makaistorbo ako sa kaniya at baka magalit siya.
Bumaba na ako ng kotse at tinawagan si Clyne pero hindi niya sinasagot. "Saan ko naman siya hahanapin eh hindi niya sinasa got ang tawag ko, tss..Clyne talaga". Napatingin ako sa paligid.
"Hayy...I miss this place" usal ko. "Kailan nga ba ang huling punta ko dito?tanong ko sa sarili. "hmmm, siguro last month? Matagal tagal na pala". Nagsimula na akong maglakad para hanapin siya. Wala namang problema dahil gamay ko na ang lugar na to dahil ilang beses na akong nagpabalik balik dito.
Habang naglalakad ako ay may nakita akong couple na naglalakad ng magkaholding hands. "Ang sweet naman nila" sabi ko sa isip ko. Medyo kahawig ng lalaki si Clyne mula sa tindig at pananamit nito. Gosh I really miss him. Pero nagulat ako nang mapagtanto ko kung sino iyon. Nakaside view siya para halikan ang noo ng babae kaya kitang kita ko ang mukha niya.Mabilis na naglandas ang aking mga luha sa aking pisngi. It's him. It's Clyne. Sino ang kasama niya? Pinapunta niya ba ako dito para makita ito? Hindi ko mapigilang isipin na baka Babae niya yon.
Who is she? Bakit niya kasama yan? Pinahid ko ang aking luha na patuloy na tumutulo. Calm yourself Light, you have to be strong. Kahit masakit ay linapitan ko sila. Hindi ako pinanganak na duwag.
"Clyne" tawag ko sa kanya. Sabay pa silang lumingon ng pesteng babae at parang gulat na gulat na makita ako. Aren't he expecting me here? "What's the meaning of this?" Tanong ko. Hindi ko mapigilan ang pagkautal ko. Dumako ang mata ko sa kanilang magkahawak na kamay. Nagbabadya na ang aking mga luha na tumulo. Tinignan ko siya sa mata. "Tell me, what's the meaning of this?" Sa halip na sagutin ako ay itinuon niya ang mga mata sa ibang direksyon. "Clyne!" Hindi ko napigilan ang pagsigaw ko. "Why aren't you answering me?" " Who is she?" Para siyang nataranta sa biglaang pagsigaw ko at hindi alam ang isasagot. Ibubuka ko na sana muli ang bibig ko ng marinig kong magsalita ang babae. "So you must be L, right? I'm Stephanie Sanchez, Clyne's girlfriend" malanding sabi niya. "Your Clyne's what?". "I'm Clyne's girlfriend" binigyan niya pa ng diin ang pagkakasabi niya sa salitang girlfriend.
Parang sasabog ang puso ko sa galit at sakit na nararamdaman ko ngayon. Parang gusto kong patayin ang linta na nasa harapan ko ngayon. "Is it true?" baling ko kay Clyne. "Please L, let me explain". " Is it true!?" Hindi ko na napigilan ang pagtaas na boses ko.
"Ye-yes" Bumuhos ang napakalakas na ulan kasabay ng pagbuhos ng aking mga luha. Hindi ko kayang magsalita dahil feeling ko ay mas lalo lang akong masasaktan. Napahawak ako sa puso ko nang makaramdam ako ng kirot na unti-unting pumapatay sa puso ko. Tiningnan ko siya sa mata para makasigurado kung nagsasabi ba siya ng totoo pero imbis na makahanap ng sagot ay awa ang nakita ko sa kaniyang mga mata. Hindi ko kinaya ang sakit kaya tumakbo na ako palayo sa kanila. "L, wait" tawag ni Clyne sakin. "L, let me explain first". Pero hindi ko siya pinakinggan at ipinagpatuloy ko lang ang pag takbo. "Lightzein Dela Cruz!" Napahinto ako sa pagtawag niya ng buong pangalan ko. Nanatili along nakatalikod at ramdam ko ang presensiya niya sa likod ko. Para akong naistatuwa at hindi makakilos. "Look, I'm sorry. I didn't mean to hurt you." Doon na ako napaharap sa kaniya. Binigyan ko siya ng hindi makapaniwalang tingin.
"Haa, you didn't mean to hurt me? Laro lang ba to para sayo? kasi Clyne sakin hindi eh. Ang sakit sakit ng ginawa mo. Pinapunta mo ba ako dito para ipamukha sakin ang katangahan ko?
"What? Hindi kita pinapun---" hindi ko na siya pinatapos sa sasabihin niya at isang kambal na sampal ang sumalubong sa kanya. "How can you do this to me? I thought you love me? Kasinungalingan lang ba lahat ng sinabi mo? patuloy na tumutulo
ang luha ko. "Bakit ganon? Bakit kailangan Kong masaktan ng ganito samantalang wala na man akong ginawang mali sayo". "Hahaha" tumawa ako ng peke. "Siguro meron nga" huminto ako sa pagsasalita at tumingala sa langit para pigilin ang luha na patuloy na tumutulo sa pingi ko. "Ang mahalin ka ng sobra ang pinakamaling bagay na ginawa ko." Nanatili siyang tahimik at nakatungo lang sa harap ko. Nagpatuloy ako sa pagsasalita."I was too stupid para paniwalaan lahat ng sinabi mo. Ni minsan ba may sinabi ka saking totoo?"I'm so sorry L" Clyne.
"Maaalis ba ng sorry mo lahat ng sakit at galit na nararamdaman ko ngayon? Hindi diba? Kaya wag kang umakto na parang sincere ka sa paghingi mo ng sorry!"
"Sorry" inulit na laman niya ang salitang ayaw kong marinig. "Pwede ba! Naririndi na ako sayo!". "Niloko mo ko at ginawang tanga, wala na akong dahilan para patawari ka".
"We're over and that's final" pagkatapos kong sabihin yon ay dali dali akong tumalikod at tumakbo. Hindi ko iniinda ang lakas ng ulan at lamig ng hangin. Sakit at galit lamang ang nararamdaman ko. Bumalik na ako ng kotse at soon inilabas ang lahat ng hinanakit ko.
Napapikit ako nang maalala ko na naman ang aking nakaraan na pilit kong kinakalimutan. It's been 2 year but I can't still move on.
I want to forget him but my heart won't. How can I forget him when he was once my life? I've been miserable because of him but why do I still love him?
Kasalukuyan akong nakahiga ngayon at naghanda ng matulog. It's really hard for me to move on, every time I lay in bed I remember my dark past. I just can't get over him. I don't know where to start.
-LadyNycto
YOU ARE READING
STUPID LOVE
RomanceI am a girl who was once broken but then a boy came to my life and picked up every pieces of my heart and made it whole again.