Ellen's POV
Ngayon ang orientation namin sa bagong school na papasukan ko. Kinakabahan ako dahil di pa ako sanay sa pakikisalamuha sa mga tao sa siyudad dahil galing akong Benguet. Sobrang magkalayo ang paaralang pinasukan ko doon kesa sa papasukan ko ngayon dito sa Maynila.
Bilang paghahanda ko ay gumising ako ng maaga upang makapasok ako ng maaga para hanapin ang room ko at section.
Nakikitira nga lng pla ako dito sa bahay nina tita martha pero maghahanap ako ng dorm na pwede kpng rentahan namas malapit sa school ko. Kumain ako ng kanin at pritong itlog ang aking ulam para mabilis lng lutuin. Naligo at nagbihis na ko ng civilian kasi ngayon ko plang kukuhanin sa school ung uniform na inorder ko.At ngayon ay nakapasok na ko kaunti palng ang tao dito siguro dahil maaga ako. At ngayon ay hinahanap ko sa mga listahan ng assigned section ang pangalan ko. Nung nakita ko na ang aking pangalan ay nagulat ako dahil nasa first section ako. Hindi ko ito inasahan dahila akala ko ay nakabase sa pinanggalingang school ang pag aassign ng section. Sa room 201 ang section nmin na nasa F building, malayo ito sa gate kaya kailangan kong pumasok ng maaga malayo layong lakarin din iyon tapos sa second floor pa ang room ko. hayynako!!
Hinanap ko ang room 201 ngunit pang naliligaw ata ako ano bang building tong pinasok ko. May nakita akong lalaki siguro maintenance sya. "Kuya excuse me po saan po ang F building??" tanong ko. "Ayy miss dun yun sa dulong building yung kulay asul na building." sagot nya sabay turo sa building sa dulo.
Hay nako malayo pa pla. Di pa ako nakak rating sa room ko ay pagod na pagod nako.Sa wakas nmn ay nandito. na ko sa room pero wala pa niisang tao, ganun ba talaga ako kaaga?. Tiningnan ko ang bulletin sa loob ng room mukhang ang dami agad activities ahh.
Dumating na ang iba kong kaklase mukhang sosyalin sila at mayaman. Ilang sandali lamang ay dumating na ang teacher nmin. Sinimulan nyang ipakilala ang kanyang sarili at sinabihan nya kaming magpakilala ng aming sarili. Sinundan nya ito sa pagkukwento ng brief history ng paaralan at pagsasabi ng rules and regulation sa loob ng campus. Ipinamigay nya rin ang mga unorder nming uniform. Ibinigay na rin nya ang schedules ng klase nmin. At pagsapit ng tanghali ay nagtapos na ang orientation.
BINABASA MO ANG
Highschool Lover
RomanceHighschool seems to be fun right? pero para kay Ellen mahirap ito sa una lalo na at galing syang probinsya kaya di pa sya sanay sa pakikisalamuha sa mga tao sa siyudad............. NGUNIT salamat sa taong akala nya noong una ay masungit pero di nag...