Prologue

15 1 0
                                    

Simula

“Isipin mo nga na nasa isang bookstore ka, naghahanap ng libro at kung anu-ano pang pwedeng pagkaabalahan mo dahil wala kang magawa sa buhay mo ngayon... nope scratch that, mukhang pangit eh... Ah! Ganito nalang, isipin mo na nandito ka sa bookstore, nagpapalamig, dahil sobrang init ngayon sa labas.

Ginagawa mo lang ngayon ay nagkukunwaring mayroon kang hinahanap na kung anong book, o kaya kung anong gamit para hindi ka lang mapalabas. Bakit? Ganoon naman talaga yung iba sa atin diba? Gumagawa tayo ng dahilan para lang makalayas tayo sa problemng humaharap sa atin.

Anyways, nandito ka nga sa bookstore may kung anong hinahanap sa mga shelves, then suddenly may nakita kang isang interesting na libro. At ang title noon ay ang pangalan mo. Nakasulat sa synopsis ng libro ay: This is a autobiography of a certain human whose name is the title of this book and the author of this book. Babasahin mo ba ito? Gusto mo ba talagang malaman kung ano ang susunod na kabanata ng buhay mo?

Sabi sa Greek mythology, ang mangyayari sa buhay ng isang tao ay nakasalalay sa tatlong matatandang babae, ang fates. Kaya nilang diktahan ang kapalaran ng isang tao. Kaya nilang manipulahin kung ano ang magyayari sa kanya sa loob ng apat na tao, sampung taon o kaya hanggang siya ay mamatay. Nirerepresenta nila ang kapalaran.

Pero sa panahon ngayon sa tingin ko hindi na sila maniniwala sa mga kalokohang ganyan. Para bang sasabihin mo sa isang ordinaryong tao na ordinaryong naglalakad sa ordinaryong daanan ngayong ordinaryong umaga: Hey nice meeting you! Alam mo ba may secret ako, do you want to know? I’m superman. Ano sa tingin niyo? Diba parang baliw lang ang magsabi nito? Ni hindi mo nga talaga alam kung totoong may tadhana talaga. Even I doubt it.

Pero sa kabila ng lahat ng ating iniisip ko ngayon, meron parin akong paniniwala sa tadhana. Kahit sa mga ordinaryong bagay, naniniwala ako na may dahilan ang lahat. Kung bakit nandito ako ngayon sa school na ito, kung bakit na sa ibang bansa ang parents ko, at kung... kung bakit wala pa akong naiibigan. Hindi ko alam kung bakit. Minsan natatawa nalang ako sa sarili ko kung bakit ko ba ito naiisip, tuloy parin namna ang buhay diba? Kahit anong mangyari.

Pero teka, meron bang tadhana sa pagibig? Meron ba talagang pana si kupido at kung sinong tamaan nito ay mamahalin naming ang isa’t – isa? Hindi ko alam ang mga kasagutan sa mga tanong ko, pero alam ko ang isang bagay at sigurado ako, totoo ang pagibig.

Kayanga lang hindi mo alam kung kalian ito susulpot, sabi kasi nila malalaman mo nalang na nagmamahal ka kung nasa kalagitnaan ka na sa paghulog sa kanya.”

Ngumiti nalang ako habang tinitignan ang papel na aking pinagsususlatan.Sa wakas tapos na ang outline ng article ko! Agad kong iniligpit ang mga gamit ko dito sa may bench katabi ng isang malaking puno ilang metro lang ang layo sa soccer feild ng school namin. Malilim dito at medyo mahangin kaya nakaka relax at madaling makapag isip ng kung ano anong bagay.

Tinignan ko ang orasan ko, 12:37, ilang minuto pa bago matapos lunch break namin. tumayo na ako sa kinauupuan ko at umambang aalis na pero natigilan ako sa isang sigaw.

"Miss mag-ingat ka! Umilag ka! yung -- " iyon nalang ang narinig ko habang naramdaman ang pagkahilo at sakit ng ulo ko. may kung anong bagay ang tumama sa ulo ko. nanilim yung paningin ko at naramdaman ko ang mga damo sa aking mga pisngi. sinubukan kong imulagat ang mga mata ko pero nawalan na ako ng kontrol, unti unti ng pumikit ang aking mga mata.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 29, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

FLAMESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon