Chapter 1

1.2K 57 0
                                    

KABANATA 1

--

Malakas ang ulan sa labas, Si Baekhyun ay Mahimbing na natutulog sa kanyang Kama, Nagising nalang siya sa ingay ng kanyang Alarm clock. Agad niyang pinatay iyon.
"Sht! Late nako sa Dance class namin!" Sigaw niya habang nagmamadali siyang kumilos.

On the way na siya papunta sa kanilang Dance class, Nakalimutan niyang magdala ng payong kaya't napatigil siya sa isang sakayan ng Bus.

"Kailan ba titigil tong ulan na to?" Kinakabahan na sabi ni Baekhyun. Nagsimula siyang tumingin sa paligid Habang nagmamasid ang relo niya, lalo siyang kinabahan. "Hindi na ako makapaghintay pa, kailangan kong tumakbo!" Nagbilang siya hanggang tatlo bago tumakbo. Ngunit basa ang daan kaya Hindi sinasadyang Nadulas si Baekhyun.

"Auchh ㅠㅠ Ang sakit!" Habang siya ay umiyak ng dahan-dahan sa kanyang puso. Dumudugo ang kanyang mga paa at dumating ang Isang gwapong lalaki na may dalang payong.

"Bakit hindi nako nababasa ng ulan?" Agad siyang tumingala. Nakita niya ang isang Gwapo na lalaki na hindi niya alam na tumulong sa kanya.

"Sino ka?" sabi ni Baekhyun habang nakakunot ang noo niya. Nandito ako upang tulungan ka!" sagot ng binata na may magandang ngiti. Tiningnan ng binata ang kanyang mga dumudugo na paa at nagsimulang magtanong "Ayos kalang ba? Nagdudugo na ang Paa mo, Hayaan mong tulungan kita!" Nakangiting sabi ng lalaki habang inabot niya ang kanyang braso upang matulungan si Baekhyun. Hinawakan ni Baekhyun ang Kamay ng lalaki at dahan-dahang tumayo.

"Salamat ng marami, Mabuti na lamang nandito ka!"
"Walang anuman!" Masayang sabi ng Gwapong lalaki. Nagsimulang Ngumiti si Baekhyun ngunit bigla niyang naalala ang kaniyang Dance class kaya nagmadali na agad siya.
"Pasensya na, kailangan ko na din umalis agad, May pupuntahan pa kasi ako!" Nagmamadaling sabi ni Baekhyun.

"Oh! Pasensya na kung kinuha ko ang oras mo dito, Maaari mong hiramin ang payong ko!" Nakangiti na sabi ng lalaki habang binigay ang Payong niya.

"Maraming salamat!" Masayang kinuha ni Baekhyun ang payong. "Pero paano ka? Mababasa ka!" Nag worry na sabi ni Baekhyun sa lalaki. "Wag mokong intindihin, Ayos lang ako may suot naman akong Jacket!" Nakangiti na sabi ng lalaki. Ngumiti na din si Baekhyun sabay nagpaalam na siya sa lalaki. "Ah sige mauna nako, Mag iingat ka!" Nagmamadaling sabi ni Baekhyun sabay tumakbo na siya palayo.

"Pag nga naman sinuswerte ka!" Nakangiti na sabi ng lalaki habang pinagmamasdan si Baekhyun palayo.

𝑴𝒚 𝑺𝒕𝒓𝒂𝒏𝒈𝒆𝒓 𝑳𝒐𝒗𝒆𝒓 [𝑪𝒐𝒎𝒑𝒍𝒆𝒕𝒆𝒅]Where stories live. Discover now