Episode Two

12 0 0
                                    

Welcome Beast

Gumulong ako sa pagkakahiga dahil may kung ano'ng pumatak sa mukha ko. Ngunit napa-isod muli ako nang hindi tuminag ang kung ano mang tumulo sa katawan ko. At maya-maya pa'y napabalikwas na ako ng bangon dahil biglang dumami ang patak na nasalo ko.

Shit! Umuulan pala, nakalimutan kong nakahiga ako sa buhanging papag nang Isla kung sa'n kami na-stranded.

"Sabi ko sa'yo maaga kang gumising kasi uulan." Nilingon ko ang nagsalita mula sa aking likuran.

Nakatayo ang babae habang may hawak na malaking dahon na siyang ginamit niya pantapal sa galit ng kalangitan.

"Tumayo ka na diyan, lumalakas na talaga ang ulan." Tinalikuran niya ako't nagtungo sa may puno, papasok sa gubat.

"Ang malas ko!" Tumayo na rin ako habang pinapagpagan ang sarili. Ang bodyfit pa ng suot ko kaya medyo bumabakat ang katawan ko sa itim na swimming gear na gamit ko.

"Makikinig ka sa 'kin dahil alam ko ang mangyayari," ani babae nang malapit ako sa kaniya.

Naupo ako sa tabi niya't pinakatitigan siya. Sa'n ba talaga galing ang babae na 'to. Tunay nga ba ang sinasabi n'yang isa siyang taga-sundo? Alagad ng kamatayan?

Napailing-iling ako bago muling bumaling sa kan'ya. "Sabihin mo, sino ang nagkulong sa'yo sa barko na 'yon?" Gusto ko lang alamin kung ano-ano ba ang isasagot niya sa 'kin.

Ilang saglit din siyang nanahimik. Sabi ko na nga ba, this is just a prank. Kasali ata ang babae na 'to sa isang budol-budol gang. Papaniwalaan ako at kukunin ang loob, pagkatapos ay ipapa-patay at pagnanakawan.

"Si Amadeyus ang nagkulong sa 'kin sa lugar na iyon. Siya ang Hari ng kabilang mundo."

Wow! Interisente ang istorya niya ha, may pa hari pang nalalaman--fantasy.

"At bakit naman?" Hindi sa naniniwala ako sa sinasabi niya ha. Curios lang sa mga sasabihin pa n'ya.

"Dahil umibig ako sa isang tao, at tinraydor ako niya. Sinabi ko sa kaniya lahat nang tungkol sa mundo namin. At isiniwalat naman niya 'yon sa mundong 'to. Isang paglabag sa batas ng afterlife ang nangyari."

"Afterlife?" I asked her. Konti na lang mabibilib na ako sa kaniya.

"Oo. Sa mundong 'yon nagaganap ang paglilitis sa mga kaluluwang lumisan na sa lupa. Do'n masusuri kung dapat ka bang mapunta sa langit o impiyerno.

"Paglilitis? So may attorney do'n? Judge?"

"Ang may mataas na ranggo na taga-sundo ang nagsisilbing kapitan ng isang grupo. Siya ang magiging abogado nang nasasakdal na kaluluwa. Mayro'n siyang dalawang kasama, ang tagapag-negosasyon at ang tagapangalaga ng seguridad."

Nangunot lalo ang noo ko sa kaniya. Creepy na s'ya as of this moment.

"Sa kabilang buhay ay may anim kang hukuman na dadaanan. . . Ang silid ng Pagpatay, Ilog ng Katamaran, Salamin ng Pagta-traydor, Bulkan ng Pagbubulag-bulagan, Gubat ng Kasinungalingan at Hawla ng Pangangalunya. Depende sa gaan o bigat ng mga kasalanang nagawa ng nasasakdal no'ng nabubuhay pa siya ang kaniyang pagdadaanan. At lahat nang iyon ay sinasala ni Amadeyus." Mahaba niyang salaysay sa 'kin.

"So, kung mamamatay ako ngayon? Dadalhin mo 'ko ro'n sa sinasabi mong 'afterlife'?" alangan kong tanong sa kaniya. Na-intriga ako sa mga sinabi niyang hukuman, parang gusto kong makita 'yon o mapuntahan.

"Hindi. Bawat tao may nakatalagang taga-sundo na magdadala sa kanila sa kabilang buhay. Ngunit puwede rin naman, magkakaro'n lang ng pagbabago sa mundo ng mga mahal mo sa buhay sa oras na sumama ka nang kusa sa isang taga-sundo o isinama ka niya ng sapilitan."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 02 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Beast In Disguise (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon