Kaibigan? Meron tayo niyan.
Pero yung totoo kaya?
Yung alam lahat ng tungkol sa iyo.
Yung maaasahan mo sa lahat.
Yung tutulungan ka.
Yung hindi ka kakalimuta kahit ilang linggo o buwan kayong hindi mag-usap.Paano pa kaya kung sa isang relationship. That's one of the thoughts I've had today. Habang nakahiga ako naiisip ko sa halos lahat ng nakilala ko at tinuring kong kaibigan. Kaibigan rin ba turing sakin?
Karamihan nung bata tayo noon yung mga nakakalaro natin nagiging kaibigan natin pero nang tumanda akala mo hindi magkakilala na hahaha. Sa totoo lang ang dami kong naging kaibigan kasi hindi ko na maalala mga pangalan at yung ibang pinagsamahan pero ngayon parang hirap na hirap akong makipagkaibigan. Hindi ko alam kung bakit.
BINABASA MO ANG
Truth Untold
Non-FictionMay mga bagay na hindi mo masasabi sa iba dahil kahit sa sarili mo hindi mo matanggap.