Mahal ko o Mahal ako
" Hazel alam mo ba yang kaibigan natin, minsan natatawa nalang ako kasi tignan mo ah tayo tahimik lang tapos ngayon nalalabas na natin yung pride natin. "
" Oo tama ka jan teh! , kanina nga parang feeling ko dahil sa kanya kinakatakutan na tayo nang section natin. "
" Pero gusto mo pa rin ang ugali ko ?? "
" Ou naman ano ka ba porket ganun lang , hindi ko na gusto ang ugali mo ang drama mo inna -_-. "
" Hahahahhahahahaha,malay mo kasi yung iba kong friends ganon sila pag may nakita silang ganoung ugali na wala sayo iiwanan ka na nila. "
" Iba yung mga kaibigan mo magpasalamat alam mo kung bakit ?? "
" Bakit "
" Kasi nakita mo ako , nagbago yung mga ugali mo , nung nagsama tayo. "
" Taray, pick up line pick up line HAHAHAHAHAHA. "
" Osyaaa una na ko si dad kasi nasa 7eleven na siya. "
" Waitt lang nagtataka ako , bakit sinusundo ka pa nang dad mo ?? "
" Alam mo naman yun akala niya kasi may boyfriendna ako , kaya ganun kung maka hatid sundo sa akin. Sige una na ako bye. :) "
" Sige bye "tapos nag wave ako sa kanya.
Andito ako sa Waiting shed naghahantay nang masasakyan , dahil hapon na nga kaya mahirap makasakay at laging punuan , araw araw akong ganto naghihintay nang matagal. Hanggang sa may narinig nalang akong...
" Lima , Lima , Lima " sigaw nung barker na kasama nung driver.
" Kuya wait lang po "
" Bayad po studyante makikiabot. "
Tila pulubi ako na naghihintay nang isang tao na magaabot nang bayad ko , dahil walang umaabot nang bayad ko.
" Kuya bayad po , makikisuyo " panglimang tawag ko na ngunit wala paring nagaabot nang bayad ko , hanggang sa malapit na ang sakayan nang tricycle papunta sa amin.
" Wala talagang magaabot! " nainis na ako kaya binato ko nalang ang bayad ko. Kasabay nanman nang paghagis ko nang bayad ay huminto ang jeep na sinasakyan ko.
" Ang bastos mo naman ate studyante ka pa naman tapos ganyan ang ugali mo. "
" Aba! Ako pa talagang bastos , ano hihintayin ko yung pasko bago abutin tong bayad ko ?? Aba huwag niyo akong gaganyanin dito na nga lang po! " nakatayo na ako at bababa nalang tapos umandar yung jeep dahilan nang pagbagsak ko sa kalsada.
" Arayy punyeta tong driver na to ako pang napagtripan! " hinabol ko yung dyeep at pumunta ako sa driver , sinabunuut sabunutan ko lang naman siya tapos kinotongan ko. Tapos tumakbo na ako , at ang pinaka ayoko sa buhay ko ang hahabulin ako nang maala buldog ang mukha.
" Manong saglit , Manong pasakay naman po please. Hinahabol po kasi ako nang aso sa nasakyan kong dyeep eh ayun oh " tapos turo ko sa driver na mukhang buldog.
BINABASA MO ANG
Mahal ko o Mahal ako
Roman d'amourMinsan mahirap magmahal lalo na't may naka-una nang nag may ari nang puso mo, at siyang nag bukas nito para umibig ka na nang totoo. <3 Mahirap pa dahil may isa pang taong minahal mo kahit panandalian lamang pero hanap hanap pa rin nang kalandian m...